Bilang paghahanda sa nalalapit na selebrasyon ng Family week ngayong buwan, nagsagawa ang Lucena City Council on Disability Affairs ng ikatl...
Kabilang sa mga tinalakay dito ay ang pagbabalik tanaw sa mga programang naisagawa para sa mga PWDs kabilang ang pagtuturo ng Urban gardening, national seminar para sa mga magulang ng natatanging sektor at ang pagdiriwang ng National Disability Prevention and Reahabilitation Week na kung saan ay tinuruan ang mga ito na gumawa ng mga supot, sa tulong na din ng SK Federation.
Ayon kay Konsehal Sunshine Abcede-Llaga, Chairperson ng committee on Social Welfare, nakipag-ugnayan na siya kasama ang nasabing konseho sa pamunuan ng Public Market sa lungsod hinggil sa isang proyekto na kung saan ang mga PWds ang magsisilbing distributor ng mga supot na gagamitin ng mga maninindahan sa palengke.
Tinalakay din dito ang ilan sa mga inaasahang programa ng pamahalaang panlungsod para sa mga PWDs tulad ng pagsasaayos ng parking area para sa mga ito sa mga establisyeento sa lungsod gayundin ang maaaring tulong pinansyal sa pamamagitan ng libreng Philhealth sa mga indigenous PWDs.
At ang pamamahagi ng birthday cash gift na nagkakahalaga ng limang daang piso, na kung matatandaan kamakailan ay ipinagkaloob sa mahigit sa isang libo at limang daang mga person with disabilities na nagdiwang ng kanilang kaarawan sa pagitan ng buwan ng Enero hanggang hunyo.
Upang mas mabilis rin ang pagsasakatuparan ng mga programa ay nagtakda ng mga magsisilbing point person sa bawat komitibang nakapaloob sa konseho.
Inilatag din ang ilan sa mga aktibidad na isasagawa para naman sa pagdiriwang ng Children’s month celebration sa buwan ng nobyembere.
Sa huli ay inaasahan ang patuloy na paglago ng mga programang ipinapatupad para sa mga natatanging sektor ng lungsod ng Lucena. (PIO-Lucena/M.A.Minor)
No comments