Straight Talk by Nimfa L. Estrellado Marahil kasama na sa kasaysayan ng pulitika ang mga sigalot at kaguluhan, hindi na rin bago ang pa...
Straight Talk
by Nimfa L. Estrellado
Marahil kasama na sa kasaysayan ng pulitika ang mga sigalot at kaguluhan, hindi na rin bago ang pangulo at pangalawang pangulo ay hindi magkasundo. Andiyan si Bill Clinton at Al Gore, John F. Kennedy And Lyndon Johnson, Dwight Eisenhower And Richard Nixon, Richard Nixon And Spiro Agnew, John Adams And Thomas Jefferson. At ngayon namang 2018, si President Rodrigo Roa Duterte at ang bise na si Leni Robredo ang hindi magkasundo.
Ang bangayan sa pagitan ni Presidente Duterte at Bise Presidente Robredo ay maaring nagsimula ng maging pangunahing siyang kritiko sa madugong kampanya kontra iligal na droga ni Duterte. Fastforward tayo, nilinaw noon ni Bise Robredo na hindi naman siya kontra sa war against drugs kundi sa kaliwa’t kanang patayan.
Kung matatandaan nung isang buwan hinimok ng Pangulong Duterte ang mga pinuno ng mundo na iwasan ang digmaan o sigalot matapos ang kanyang kaibigan na si Pangulong Estados Unidos na si Donald Trump ay nagbabala sa Iran na magdudulot ito ng “mga kahihinatnan” kung ito ay nagbabantang muli sa kanyang bansa.
Sabi nya pa na dapat manaig ang malamig na ulo at pairalin ang pagkamahinahon ang mga pinuno ng maiimpluwensiyang bansa para mapanatili ang pagsulong ng kapayapaan.
Nakakalungkot isipin na pinangaral ng pangulong ito ang halaga ng malamig na ulo at pagpapairal ng pagkamahinahon at dulot nito sa kapayapaan ngunit panay naman batuhan ng maanghang na salita nila ng kanyang bise presidente na si Robredo. Practice what you preach ika nga.
Ito talaga ay nakakagimbala, dahil kapag ikaw ang pinuno ng isang bansa, president, bise, senador, kagawad, kapitan o ano ka man, mayroon kang isang napakalaking responsable magkalabang partido man kayo upang sa gayon ay maipagpatuloy ang pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa at maiwasan ang magkanya kanya at sa halip ay magkaisang bisig, hindi yung puro bangayan na lang ang nangyayari sa gobyerno.
Nito nga lang Huwebes ay sinabi ni Presidente Duterte na ang Pilipinas ay magiging mas maayos sa mga kamay ng mga diktador kaysa kay Robredo. Sinabi ng Pangulo na mas gusto niyang mapalitan ng isang militar na junta o ni Senador Francis Escudero o dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., anak na lalaki ng diktador Ferdinand Marcos.
Sa isang talumpati niya sa Mandaue City, Cebu, muling ipinagtanggol ni Duterte ang kanyang drug war at ang kanyang kampanya laban sa katiwalian, na sinasabi kung tumigil na siya ngayon, ang bansa ay lalong magkakagulo.
Pagkatapos ay sinabi ng Pangulo na ang bansa ay hindi maaaring patakbuhin ng isang tao tulad ni Bise Presidente Leni Robredo, abugado at aktibistang panlipunan na kabilang sa oposisyon ng Liberal Party. Naisip ni Duterte na bumababa sa pagkapangulo aniya pagod at hirap siya sa paglutas ng mga problema ng bansa.
Gayunpaman, sinabi niya na ayaw niyang iwanan ang kanyang post kay Robredo, na pinagtitibay ng Saligang Batas upang magawa ang kanyang lugar kung sakaling siya ay bumaba.
Mas gusto ni Duterte si Bongbong, Chiz bilang kapalit sa halip na Leni. Ang Pangulo ay hindi lihim na ang kanyang paghanga para kay Marcos, isang kilalang kaibigan ng kanyang pamilya. Ang ama ni Duterte na si Vicente ay naglingkod sa ilalim ng cabinet ng pre-martial law ni Marcos. Sinabi pa ng Malacañang na maaaring bumaba ang Pangulo kung ang anak ng late diktador ang mananalo sa kanyang elektoral na protesta laban kay Robredo.
Sumagot naman si Bise Presidente Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte at sinabi sa kanya na tumuon sa pag-aayos ng pinakamahirap na problema sa bansa sa halip na bangayin siya.
Siguro sa imbes nga na magngangawa kayo pareho kayong kapwa pinuno Pangulong Duterte at Bise Robredo, bakit hindi na magtulungan upang makamit ang mga gusto nating pagbabago para sa bayan?

No comments