Bilang pagsuporta sa Ordinansa na ipinatutupad ng pamahalaan panlungsod na Solid Waste Management Act o R.A. 9003. Na kamakailan ay iniluns...
Bilang pagsuporta sa Ordinansa na ipinatutupad ng pamahalaan panlungsod na Solid Waste Management Act o R.A. 9003.
Na kamakailan ay inilunsad ang naturang ordinansa at isa nga rito ang barangay 10.
Kaya naman sumusunod ang nasabing barangay na ito sa batas na ipinaiiral ngayon.
At sa panayam ng TV12 kay Chairman Arnel Magbanlac kamakailan ay binanggit nito na mayroon silang MRF sa kanilang barangay.
Kaya ang kanilang basura ay napapanatiling hindi kumakalat dahil dito na nila dinadala.
Ayon sa kapitan may anim na eco-aide na umikot at tagahakot ng mga basura sa bawat purok sa kanilang barangay.
Sinabi pa ni Magbanlac, mahigpit nilang ipinatutupad ang no segragation no collection policy sa kanilang lugar.
Hindi pinakokolekta ng sangguniang barangay ang basura galing sa mga residente sa kanilang lugar na hindi hiwalay ang nabubulok sa di nabubulok.
Samantalang sinusunod rin nila ang oras ng pagkolekta ng basura ng city government sa kanilang barangay.
At pinananatili nilang malinis ang kanilang composting ng basura upang sa ganoon aniya ay maging kaaya aya ito sa paningin ng ilang mga bibisita sa kanilang lugar.
Patuloy naman ang suporta ng sangguniang barangay sa pamumuno ng kapitan Arnel Magbanlac sa lahat ng mga programa at proyekto ng pamahalaan panlungsod sa ilalim ng administrasyon ng bagong lucena sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala. (PIO Lucena/ J. Maceda)

No comments