Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Box office hit! SOCA 2018 ni Mayor Sabili, umani ng mga papuri

Pag-uulat: Serbisyo sa Bayan ni Mayor Meynard A. Sabili (Photo Courtesy by Ghadzs Quizon Rodelas) by Lolitz L. Estrellado LIPA CITY – “...

Pag-uulat: Serbisyo sa Bayan ni Mayor Meynard A. Sabili (Photo Courtesy by Ghadzs Quizon Rodelas)


by Lolitz L. Estrellado

LIPA CITY – “Kung baga sa pelikula, tunay namang isang BOX OFFICE HIT o SMAH HIT ang ulat sa Bayan na isinagawa ni Lipa City Mayor Meynard Sabili noong Biyernes. Nakakatuwa naman at naimbitahan tayo kaya nakita ko ang lahat, kung gaano kamahal ng mga taga-Lipa si Mayor.”

Humigit-kumulang ay ito ang sinabi ng masipag at magaling ding punong bayan ng Mataasnakahoy, Batangas na si Mayor Gualberto R. Silva nang makausap ito ng sumulat matapos ang programa sa ginanap na PAG-UULAT: SERBISYO SA BAYAN 2018 na isinagawa ni City Mayor MEYNARDO ASA SABILI noong Setyembre 14, 2018 sa Lipa Sports Academy, Kolehiyo ng Lunsod ng Lipa Compound sa Brgy. Dagatan.

Umani ng papuri at pinalakpakan ng makailang ulit ang nagsilbing huling State of the City Address (SOCA) ng multi-awarded City Mayor sapagkat huling termino na niya ngayon.

Ayon sa mga konsehal ng lunsod na dumalo, mga opisyales, chiefs of offices at empleyado ng pamahalaang panglunsod, mga punong bayan sa lalawigan ng Batangas kabilang sina San Juan Mayor Rudy Manalo, Mataasnakahoy Mayor Gual Silva, Taysan Mayor Grande, at mga panauhin, mga kapitan ng barangay, mga guro at mag-aaral, mga barangay health workers at brgy nutrition schoalrs, mga magulang, at iba pang sektor na sumaksi sa SOCA, makatotohanan, nakaka-inspire at punong-punong umano ng pag-asa ang mga ipinahayag ng kanilang butihing Ama ng Lunsod.

Tampok sa PAG-UULAT ang naging kalagayan ng Lipa sa loob ng halos siyam (9) na taon sa ilalim ng administrasyong Sabili, at napakalayo na ng narating sa larangan ng pag-unlad. Isa sa mga nangungunang lunsod hindi lamang sa lalawigan ng Batangas at Katimugang Tagalog, kundi maging sa buong Pilipinas.

Ang ilan sa mga mahahalagang puntos na binanggit sa ulat na tunay namang pinuri at pinalakpakan ng mga Lipeño ay ang sumusunod:

1. Ang ekonomiya ng Lipa ay napalago, ang iba’t ibang ahensya, pribado man o pampubliko, ay kinikilala ang lunsod dahil sa mahusay na pamamahala, naibibigay ang iba’t-ibang serbisyo dahil sa maayos na paggugol ng pananalapi. Noong 2010, ang dinatnang budget ni Mayor Sabili ay P890,992,200.00. Taon-taon ay tumaas at lumaki ito at ngayong 2018 ay P1,686,864,240.08 na ito.

2. Hindi mabilang na tulong pinansyal, medikal, pangkabuhayan at mga scholarship na ipinamahagi sa mga Lipeño.

3. Ang programang I-HELP simula noong 2010 na pinagtuunan ng pansin at naging prayoridad ng administrasyong Sabili upang matugunan at malutas ang mga problema ng lunsod.

Imprastraktura farm-to-market roads, street lights, traffic lights, Lipa City Center for Training and Development, Lipa Parking Building, Lipa Academy for Sports, Culture and Arts, mga school buildings sa elementarya at barangay, Lipa-SM Grand Terminal, Ospital ng Lipa, Social Welfare Village kung saan ang Women’s Center, Bahay Pag-asa, Center for Older Persons, and Persons with Disability, Juvenile Intervention and Support Center, Bahay ni kuya at napakarami pang iba.

4. Health – naniniwala si Mayor Sabili na ang malusog na mamamayan ay nangangahulugan ng malusog na pamayanan. Una ang Ospital ng Lipa para sa lahat ng Lipeño, LIBRE. Kumpleto ang mga pasilidad na makabago, mga eksperto ang doktor, at kumpleto ang programa sa prevention at treatment. Mahigit P49-milyon ang nakalaang budget ngayong 2018.

Itinataguyod din natin ang facility based delivery, kung saan 88 percent ang ating rate sa ating Maternal at Neonatal Sectors. Mas mataas din ng dalawang porsyento sa 90% rate na national target ang pagpapaanak ng isang skilled birth attendant dito sa atin sa Lipa.

Tumaas din ng dalawang porsyento ang success rate natin sa National Tuberculosis control program. Ang ating success rate, nasa 98% na.

Dahil sa mga programang pangkalusugang ito na maayos na naipatutupad, tayo ay ginawaran ng parangal at pagkilala bilang isang lungsod na may pinaka mataas na detection at cure rate. We were recognized by the Department of Health for our sound practices. Mula taong 2012 hanggang sa kasalukuyan, Gold awardee ang lungsod ng Lipa dahil sa pagpapalawig ng disease surveillance system.

5. Edukasyon – Budget para sa scholarship at financial assistance, at sa kasalukuyan ay may 72,102 recipients na ang nakikinabang sa senior high school, kolehiyo at maging sa mga nagma-master at nagdo-doctorate o mga nagre-review para sa board examinations may kolehiyo ng Lunsod ng Lipa, de-kalidad ang uri ng edukasyon.

Sagip-Eskwela para sa elementarya at sekondarya, 7,000 na ang nakikinabang.

6. Livelihood – tulong pangkabuhayan

7. Peace and Order – pinaigting ang ugnayan sa kapulisan at nagbibigay ng logistical support sa kampanya laban sa iligal na droga at iba pang krimen.

“Sa loob ng siyam na taon, marami nang nagbago. Magagandang pagbabagong hindi natin akalaing mangyayari sa ating lungsod. At lubos na nagagalak ang puso ko, dahil katuparan ito ng aking pangarap. Pangarap na noon pa man, bago pa ako naging mayor, gusto ko nang mangyari sa lipa. Ako po’y nagpapasalamat sa aking pamilya, lalo na sa aking may bahay sa pang-unawa at hinayaan akong tuparin ang pangarap kong ito sa ating bayan kahit na nangangahulugang halos mawalan na ako ng oras para sa kanila. Maswerte ako sa pagkakaroon ng very supportive na maybahay na siyang naging katuwang ko rin sa lahat ng ito. Siya ang dakila kong tagapayo kung paano ko aalagaan bilang ama ang ating bayan. Siya ang inang nagbigay sa atin ng ilaw para sa mas maliwanag na tahanan at bayan. At masasabi kong ang kaniyang pagmamahal bilang ina ay talaga namang tumawid sa bawa’t isang Lipeño. Maraming maraming salamat. Sa likod ng bawa’t tagumpay, siya ang ating naging sandigan. Nagpapasalamat din ako sa mga tapat na empleyado ng ating local na pamahalaan, sa pangunguna ng kanilang mga Department Heads. Kayo ang naging daluyan ng pagpapalaganap at pag paparating ng mga programa at serbisyo sa mga barangay simula ng ako ay maupo bilang mayor hanggang sa kasalukuyan. Ang aking tagumpay at mga natangap na mga papuri ay para din sa inyo. At syempre, lubos ang pagpapasalamat ko sa inyo, sa bawa’t isang Lipeño. Dahil binigyan niyo ako nang pagkakataon at pinagkatiwalaang isakatuparan ang pangarap kong itong para sa ating bayan. Naniniwala akong ang binhing ipinunla natin ay patuloy na nagbubunga at magbubunga pa ng pag-unlad sa ating lunsod. Malayo-layo na ang narating natin, at sa patuloy na pagtutulungan ng bawa’t isa sa atin. Mas malayo pa ang ating mararating, at kahit ano pang suliranin o pagsubok ang ating kaharapin, siguradong kakayanin natin para sa mas mapayapa, mas malusog, mas masaya at higit sa lahat mas maunlad na Lipa. Sa nalalapit na pagtatapos ng aking termino bilang mayor, isa lang ang hihingin kong pabor, piliin natin iyong magpapatuloy at magpapayabong pa sa ating nasimulan na at mahihigitan pa ang kung anong narating na natin, siyang magbibigay ng ilaw at mag-aakay sa atin sa panibagong mga tagumpay. At gusto ko lang din iparating sa bawa’t isa, ang pagmamahal ko sa Lipa, panghabambuhay. Matapos man ang aking termino, andito ako at ang aking pamilya para sa inyo. Maraming salamat po! At Mabuhay po tayong lahat!” bahagi ng mga pananalita ni Mayor Sabili sa pagtatapos ng ulat sa bayan.

Sa bahaging patapos na naging emosyunal ang mga tao dahil sa paraang namamaalam na umano ang kanilang Mayor Sabili, kaya naman nasambit ng mga ito na sana raw ay pagbigyan sila ng isa pang Sabili, ang butihing maybahay ni Mayor Meynard, si Mayora BERNADETTE P. SABILI, na siyang pumalit para maipagpatuloy ang mga programang pinakikinabangan at nakakatulong sa kanila.

“Tutuong lahat, walang labis walang kulang ang mga nilalaman ng ulat sa bayan ni Mayor Meynard. Iyan po ay nakikita natin, nadarama, pinakikinabayan at nakakatulong sa aming lahat. Iba po siya, walang katulad, walang kapantay,”pahayag ng isang barangay health worker na hindi na nagpabanggit ng pangaln.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.