By J. Maceda LUCENA CITY - Kung sakaling po na mapapasyal si Dating Department of Agriculture Sec. Proceso “KaProcy” Alcala sa aming Bar...
LUCENA CITY - Kung sakaling po na mapapasyal si Dating Department of Agriculture Sec. Proceso “KaProcy” Alcala sa aming Barangay ay ang akin hihilingin dito ay budget para sa proyekto na paglilipatan ng kanilang Barangay Hall at ng Day Care Center.
Ito ang ilan pa sa naging pahayag ni Chairwomen Editha Carurucan ng Barangay 4 sa esklusibong panayam ng TV12 kamakailan.
Ayon kay Kapitan Carurucan, kamakailan ay nakadaupang palad nila si KaProcy Alcala na ito aniya ang nais na itawag sa kaniya ng bawat mamamayan lucenahin.
Sa nabanggit ng dating kalihim ng Agrikultura ay iikot ito sa lahat ng mga barangay dito sa lungsod ng lucena upang malaman pa kung ano ang pangangailangan ng bawat barangay.
Kung kaya naman ay kung sakaling makakabisita ito sa kanilang ay kaniyang ipababatid dito ang kanilang proyekto na pagpapagawa ng Barangay Hall at Day Care Center.
Dahilan sa ang pagtatayuan ng mga proyekto ng nabanggit, na ang lupa dito ay nakapangalan na sa kanilang barangay.
Ito aniya ay nabayaran nang city government of lucena sa may-ari ng lupa sa kabutihan loob ni Mayor Dondon Alcala at sa ngayon ay nasa kanila na ang titulo na lupa.
Sinabi pa ni Kapitana Carurucan na ang paglilipatan ng barangay hall at day care center sa bahagi ng basketball court ay napag-usapan na nila noon ni dating kapitan Gilbert Marquez.
Samantalang idinagdag pa ng Butihin kapitan, na mayroon naman silang kahilingan kay 2nd District Congressman Vicente “Kulit” Alcala, na naipangako na rin nito sa kanilaang pagpapagawang Covered court sa kanilang barangay.
Na ayon kay Congressman Alcala, sa oras aniya na mapirmahan ang kaniyang budget sa kamara ay isa sa prayuridad na pag-uukulan na pondo nito ay ang proyektong hinihiling nila na covered court sa kanilang lugar.
Nagpapasalamat naman si Kapitana Editha Carurucan sa magkapatid na Alcala, sapagkat kung maisasakatuparan ang mga proyektong nabanggit ay malaking tulong at ginhawa ito para sa kanilang barangay. (PIO-Lucena/ J. Maceda)
No comments