Kapitan Arnel Magbanlac ng Barangay 10 (Photo Courtesy by Esing Coloma) Pagdating po sa anuman kalamidad o sakuna na tatama sa lungs...
Kapitan Arnel Magbanlac ng Barangay 10 (Photo Courtesy by Esing Coloma) |
Pagdating po sa anuman kalamidad o sakuna na tatama sa lungsod ay nakahanda naman po ang emergency respound team ng aming Barangay.
Ito ang ilan pa sa nabanggit ni Kapitan Arnel Magbanlac ng Barangay 10 sa esklusibong panayam ng TV12 dito kamakailan.
Ayon kay Chairman Magbanlac, dahilan sa mga dinadaluhan mga Seminar sa pangunguna ng nangangasiwa ng komitiba pagdating sa kalamidad sa kanilang barangay ay palagi naman nakaalerto ang mga miyembro ng emergency respound team nila.
kung kaya naman ay nagpasalamat si Magbanlac kay Janet Gendrano head ng Lucena Disaster Risk Reduction and Management Office.
Dahilan sa pagpupursige at maturuan nito kasama ang mga tauhan niya na mabigayan ng mga seminar at training ang mga kasapi ng emergency respound team sa kanilang lugar.
Sa ngayon naman ay kung sakaliman na may kaganapan na anuman aksidente, sakuna at maging sa hindi inaasahan pagtama ng anuman kalamidad sa lungsod.
Ay ang mga tauhan ng ERT sa kanilang barangay ang unang reresponde.
SOT 8:3-8:20 video clip interview kapitan Magbanlac 00195
Patuloy pa rin naman ang sangguniang barangay at ang mga miyembro ng ERT sa pagsasanay at dumadalo sa mga isinasagawang training at seminar ng mga nasyunal o lokal na pamahalaan pagdating sa kalamidad.
Samantalang nagbibigay ng payo ang kanilang barangay sa mga residente sa kanilang lugar na kung sakali man na may bagyong darating at malakas ito ay maaga pala lamang ay sinasabihan na nila ang mga ito katuwang ang mga miyembro ng Emergency respound team na lumikas na sa kanilang mga tahanan at magtungo sa pinakamalapit na evacuation center sa kanilang lugar. (PIO-Lucena/ J. Maceda)
No comments