Sadyang pong apektado lahat ng mga mamimiling gulay, prutas, manok, baboy at lahat ng mga agricutural products ang mga mamamayan lucenahin. ...
Isa sa malaking pinuproblema ng mga ito ay tumataas na bilihin lalong lalo na ang mga gulay na halos kinukulang na ang pagbubudget para sa paglulutong mga ito.
Ito ang pahayag ni Melissa Letargo head ng City Agriculturist Office sa esklusibong panayam ng TV12 kamakailan.
Ayon kay Letargo, patuloy naman ang kampanyang pamahalaan panlungsod at ng kanilang tanggapan na maipabatid sa lahat ng kababayan natin na magtanim ng gulay sa kanilang bakuran.
Ayon pa dito hindi naman aniya problema kung walang mapagtatamnan na lupa ang mga lucenahin.
Dahil puwede naman magtanims a mga container o yong mga plastic galon.
Kaya naman hinihikayat nila na magtanim ng gulay sa mga nasabing container lalo na yong mga nasa mga urban barangay.
Sapagkat ang nais ng city government of lucena ay maging self sufficient ang lungsod pagdating sa mga produktong pang-agrikultura.
Dagdag pa ng hepe ng nasabing tanggapan, mayroon naman training seminar patungkol sa kung papaano sila magtatanim sa mga container gardening.
Ang mga ito na manu mano ay naituro na sa ilan nating mga kababayan sa urban barangay.
Samantalang patuloy rin ang pagsuporta ng pamahalaan panlungsod at ng city agriculturist office sa pagbibigay ng kaalaman pagdating sa pagtatanim ng mga gulay sa kanilang bakuran sa pamamagitan ng mga container.
Ang kanilang opisina naman umano ay namimigay ng garden soil, mga seeds at organic fertilizer at iba pa.
Patunay lang na gumagawa ng pamamaraan ang administrasyon ng bagong lucena sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala upang matungunan ang pangangailangan ng mga mamamayan lucenahin pagdating agricultural products. (PIO-Lucena/ J. Maceda)
No comments