Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

CITY HALL SA BARANGAY, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA BARANGAY KANLURANG MAYAO

Matagumpay na isinagawa kamakailan ang ikalawang City Hall sa Barangay na kung saan ay ginanap ang naturang aktibidad na ito sa Kanluran Ma...

Matagumpay na isinagawa kamakailan ang ikalawang City Hall sa Barangay na kung saan ay ginanap ang naturang aktibidad na ito sa Kanluran Mayao Elementary School sakop ng naturang barangay.

Pinangaunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang nasabing aktibidad.

Kasama rin ng Punong Lungsod dito sina City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr., Executive Assistant II Arnel Avila, Executive Assistant III Rogelio “Kuya Totoy” Traqueña, Senior Councilor Anacleto Alcala III, Councilor Vic Paulo, Dating Konsehal Amer Lacerna, City Engineer Rhodencio Tolentino, City Budget Officer Rosie Castillo, head ng City Assessor’s Office na si Rael Felizco, Janet Gendrano head ng LCDRRMO, Sec. Leonard Pensader ng Sangguniang Panlungsod at Head ng Peso Arnold Cayno.

Pinangunahan naman ni Kapitana Adela Nave ang hanay ng mga opisyales sa naturang barangay kasama ang ilang mga kagawad nito.

Sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala dito, ay unang ibinaba ang City Hall sa Barangay sa Barra.

Ayon sa Alkalde, pagkatapos aniya ng Barra ay hindi puwede palampasin ang kaniyang barangay ito ay ang Kanlungang Mayao.

Sinabi pa nito na ang mga serbsiyo ng mga tanggapan sa City hall upang hindi na kinakailangan ng mga ito na magtungo sa Lucena City Government Complex para dito at bagkus ay inihatid na nila ito sa kanila kabarangay.

Samantalang ilan naman sa mga tanggapan nagtungo sa nabanggit na lugar ay ang opisina ng City General Services Office na pinamumunuan ni Rosie Castillo.

Namahagi ito at ang Alkalde ng mga E-Balde, apat na Push Cart at iba pa.

Ang City Agriculturist Office, sa pamumuno naman ni City Agriculturist Melissa Letargo, ay namahagi ng ilang mga gamit sa pagtatanim at iba pa.

Maging ang City Health Office sa ilalim ng OIC nito na si Dr. Jocelyn Chua ay malaking parte naman ang naging kontribusyon, dahilan sa isinagawang medical at dental mission dito.

Nagkaroon din ng Seminar para sa mga mayroon High Blood Pressure, mayroon din libreng ECG, Drug test at iba pa.

Maging ang opisina ng City Legal Office, sa pangunguna nina City Legal officer Atty. Shiela De Leon, Assistant City Legal Officer Atty. Francisco Ferdinand “Kits” Lagman ay nagbigay ng legal advice.

Ang City Social Walfare and Development Office naman sa pangunguna ni Malou Maralit ay nagbigay ng Lugaw sa ilang mga dumalo sa nasabing aktibidad.

At dito personal naman na iniaabot isa isa ni Mayor Dondon Alcala ang lugaw sa mga residente ng Barangay Kanlurang Mayao.

Ganoon din ay naroon ang City Veterinary Office sa pamumuno ni Winston Avillo at nag-ikot sa buong barangay upang maturukan ang mga aso ng mga residente sa lugar.

Nagbigay naman ng libreng Gupit at masahe ang mga estudyante ng Lucena Manpower Skills and Training Center sa pangugnuna LMSTC Coordinator Criselda David.

Naghatid naman ng libreng rehistro ng kasal, birth certificate, death certificate at marami pang iba sa mga residente sa lugar ang City Civil Registrars Office sa pamumuno ni Edith Regodon.

Ang City Library Office naman sa pangunguna ni Miled Ebias, ay may story telleng na ibinahagi para sa mga kabataan ng nasabing barangay.

Ang pagdaraos ng proyektong City Hall sa Barangay, sa inisyatiba ni Mayor Dondon Alcala, ay dahilan na rin sa pagnanais ng alkalde na maihatid at maipabatid sa lahat ng mamamayan ng Bagong Lucena ang mga serbisyo na ipinatutupad sa lungsod.

Dahil isa sa mga hangarin ni Mayor Dondon Alcala ay ang malaman ang mga problema ng mga ito at upang sa ganun ay agad na mabigayan ng katugunan. (PIO Lucena/ J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.