Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Comelec, hinihikayat ang mga miyembro ng party list groups magtungo sa kanilang tanggapan

LUNGSOD NG LUCE, Quezon - Upang magpatunay na ang isang party list group ay aktibo paring makikiisa sa darating na kampanyahan para sa  20...

LUNGSOD NG LUCE, Quezon - Upang magpatunay na ang isang party list group ay aktibo paring makikiisa sa darating na kampanyahan para sa  2019 mid-term  election, hinikayat ng hepe ng city Comelec na si  Atty. Anamei Barbacena ang mga myembro ng party list groups sa lungsod na magtungo sa kanilang tanggapan upang maberipika ang kanilang grupo.

Ayon kay Barbacena, ang hakbanging ito ay alinsunod sa inilabas na memo ng  office of the regional election director comelec kung saan ang lahat ng provincial election supervisor at election officer ay dapat na  iberipika ang existence ng isang party list.

Sa darating na mid-term elections sa  susunod na taon,  tiyak na maraming party-list group ang pagpipilian ng taong bayan upang irepresenta ang iba’t-ibang sector ng mga mamamayan.
Mga party list group na  kumakatawan sa mga “marginalized sector” o mga grupong hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa lipunan. May kanya-kanya rin umanong akbokasiya ang bawat grupo na maaaring maidulog sa kongreso upang makapanggawa ng magandang batas para sa ikabubuti ng mga miyembro nito.

Kaugnay nito ay hinihikayat ni Atty. Barbacena ang mga myembro ng  pary list groups sa lungsod na magtungo sa kanilang tanggapan upang magsilbing patunay na patuloy na  nageexist  ang kanilang grupo.

Irereport umano nilang “not existing” ang isang party list kung hindi magagawa ng mga myembro nitong magtungo sa  kanilang opesina para magpakilala at para mapatunayang  may kakayahan silang irepresenta ang sektor na kanilang kinabibilanagan. Kailangna rin umano ito  upang malaman ng city comelec kung saan ang kanilang opesina sa loob ng lokalidad.

Babase umano ang Comelec en banc sa ano mang irereport ng mga election officer. Sakali kasing  sa pagbubusisi ng kanilang tanggapan  ay wala silang nakitang katangian at hindi pumasa sa requirements, maaring agad na idiskuwali-pika ang accreditation ng mga party list. Maging  ang dati nang mga accredited na party-list groups ay isasailalim rin umano  sa pagbusisi at maaaring may ma-disqualify sa mga ito dahilan para hindi sila makalahok sa 2019 elections.

Naniniwala si barbacena na sa ganitong  paraan ay masasala nang mabuti ang mga party lust na tunay na kakatawan sa mga maliliit na sektor sa lipunan na siyang pagsisimulan ng pagbabago. (PIO Lucena/C.Zapanta)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.