Cong. Danny Suarez by Ace C. Fernandez and Lyndon B. Gonazales Brgy. Iyam, Lucena City - Patuloy ang pagpapahalaga sa kinabukasan ng ka...
Cong. Danny Suarez |
Brgy. Iyam, Lucena City - Patuloy ang pagpapahalaga sa kinabukasan ng kabataan ni Congressman Danilo Suarez sa pamamagitan ng pagbibigay ng halos 3,809 school supplies at school bags sa lahat ng estudyante ng Lucena West I Elementary School. Sa mensahe ay sinabi ni Congressman Suarez sa mga batang estudyanteng naduroon na sa tinatahak na kinabukasan ay tulungan ang sarili at ang paaralang pinagmulan. Aniya, ang pag- aaral ay mahalagang instrumento ng tagumpay at pag nasa kolehiyo na umano ang mga estudyante ng WEST I ELEMENTARY SCHOOL ay dapat mag-tipid ang mga ito at pag dumating di umano ang panahon na hindi natupad ang mga pangarap nila ay huwag umanong titigi ang mga ito upang maabot ang minimithing magandang kinabukasan.
Samantala, hindi magkamayaw sa tuwa kasabay ang sigawan at palakpakan ng mga guro at mga estudyante sa sinabi ni Congressman Danilo Suarez na ibinigay niya ang P181,000.00 pesos upang maidagdag sa pambili ng mga musical instrument para sa Lyre Band ng nasabing paaralan. Ang nasabing halaga ay nauna ng naipaabot sa kongresista ng isang guro at adviser ng nasabing Lyre Band upang makasali sila sa regional at national competition kung saan nga ay dagliang tinugon ito ng isa sa pinakamatagumpay alumnu ng Lucena West I Elementary School.
Dahil sa napakaraming estudyante ang nanduroon ay binigyan ng maagang papasko ang 15 estudyante na nag mula sa Bondoc Peninsula at sa ika- apat na Distrito. Tumanggap ng P500.00 pesos ang bawat isang napiling mag-aaral. Sa pagtatapos ng programa ay sinabi ng Minority Floor Leader na sususportahan niya ang lakbay aral ng mga guro sa Lucena West I ng halagang P100,000.00 pesos sapagkat mahalaga umano ang Lakbay - Aral sa mga teachers dahil ito ay bahagi ng patuloy na pag-aaral sa hanay ng mg a guro.
Sa huli ay pabirong sinabi ni Cong. Danny Suarez sa mga estudyante na sa susunod na taon ay election na “kaya inaasahan ko na ako ay iboboto niyo” kung saan masayang nag “yes” ang mga batang mag aaral ng Lucena West I Elementary School. Si Congressman Suarez ay isa sa mga naunang nagpahayag na lalabang gobernador sa lalawigan sa darating na 2019 midterm election.
No comments