Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Dalawang Professors mula sa PMA, nagcourtesy call kay Mayor Dondon Alcala

Kahit pa maraming nakapila na nag-iintay na gustong makausap si Mayor Dondon Alcala sa kaniyang tanggapan ay matiyaga naman nag-intay ang d...

Kahit pa maraming nakapila na nag-iintay na gustong makausap si Mayor Dondon Alcala sa kaniyang tanggapan ay matiyaga naman nag-intay ang dalawang Professors ng Philippine Military Academy mula sa Baguio City.

Ang mga ito ay sina Cpt Paulo B Clemente, Cpt Christian E Daroni at kasama ng mga ito si Cpl Flor Macale PIO ng SOLCOM.

Malugod naman ang pagtanggap ng Alkalde sa dalawang opisyal at professors ng PMA.

Sa naturang pag-uusap ng mga ito ay sinabi ng dalawa na mag-sasagawa sila ng exam sa ilang mga college school dito sa lungsod.

Kung saan ay yong mga estudyanteng lucenahin mula sa mga paaralan na kanilang pupuntahan na willing o gustong maging isang sundalo at kuwalipikado ay puwede silang mag-exam.

Matapos naman na maipaliwanag ng dalawang opisyales ng PMA ay buo naman sinuportahan ng punong lungsod ang adhikain ng mga ito na makapaghingkayat ng mga kabataan na maging sundalo na gustong maglingkod sa ating bayan.

Sinabi naman ni Cpt Clemete na mayroon mga kadete ang PMA sa ngayon na taga dito sa Quezon at ang mga ito ay nagmula sa bayan ng Pagbilao, Tiaong at Infanta, Quezon.

Sa huli matapos ang kanilang pag-uusap ay nagpakuha ng litrato ang mga ito kay Mayor Dondon Alcala.

Samantalang kasunod na tinungo ng dalawang professors ng PMA ay ang mga Paaralan tulad ng St. Anne College, Sacred Heart College, SLSU Lucena Campus at iba pa.

At kung saan ay dinagsa ng mga kabataan lucenahin mag-aaral sa nasabing mga paaralan ang ilang araw na pamamalagi ng mga professors ng PMA na napa-exam dito.

Hindi naman pinalampas pa ng mga estudyanteng at sinamantala ng mga ito ang pagkakataon na makapag exam at kung sakali namakapasa ay maging Kadete ng Philippine Military Academy. (PIO-Lucena/J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.