Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Editorial: Pagkaaresto kay Senador Trillanes makatarungan ba?

Pagkaaresto kay Senador Trillanes makatarungan ba? Si Senador Antonio Trillanes IV noong Martes, Setyembre 25, ang naging pangalawang sen...

Pagkaaresto kay Senador Trillanes makatarungan ba? Si Senador Antonio Trillanes IV noong Martes, Setyembre 25, ang naging pangalawang senador ng oposisyon na inaaresto sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang isang grupo na pinangunahan ni Senior Superintendent Rogelio Simon ng Makati ay inumpirma na ang pulisya ay naghain na ng warrant of arrest kay Trillanes para sa rebellion, ilang oras matapos ma-release ang dokumento ng Makati Regional Trial Court Branch 150 Executive Judge Elmo Alameda.

Sinabi ng Senado na si Sergeant-at-Arms na si Jose Balajadia na ang mga pulis ay sumunod lamang sa protocol. Sinabi niya na ang direktor ng National Capital Region Police Office na si Chief Superintendent Guillermo Eleazar ay nagsilbi sa warrant kay Trillanes. Una pa lang sinabi niya na hindi niya lalabanan ang pag-aresto hangga’t ang pulis ay nagpakita ng tamang warrant.

Si Trillanes ay dinala sa Makati RTC Branch 150 matapos ang proseso ng booking upang mag-post ng P200,000-piyansa. Sinamahan siya ng mga kapwa senador ng oposisyon na si Kiko Pangilinan, Paolo Benigno Aquino IV, at Risa Hontiveros; pati na rin ang kanyang mga kaibigang Magdalo party.Ang hukom ay pumirma sa release order ni Trillanes bago ang alas-5 ng hapon. Ang rebellion charge kay Trillanes ay muling nabuhay pagkatapos na ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 572, na binawi ang amnestiya na ibinibigay sa senador kaugnay sa 2003 Oakwood mutiny at 2007 Manila Peninsula siege.

Ang pag-aresto ni Trillanes ngayon ay isang warning para sa iba pang mga kritiko sa administrasyon ni Pangulong Duterte. Ayon sa isang Asia researcher for Human Rights Watch ang pagaakusa raw ni Pangulong Duterte kay Trillanes, ang mga diumano na plano ng ibang mga pulitiko ng oposisyon, kabilang ang partidong Liberal at mga grupong nasa kaliwa, upang palayasin siya sa puwesto ay walang katibayan. Iligal at isang pang-aabuso sa kapangyarihan ang ginawa ng administrasyon na ito ang pagpapatahimi sa kanilang mga kritiko.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.