Matagumpay na isinagawa ng isang forum hinggil sa peace and order na kung saan ay naging kabahgi dito ang sektor ng mga Muslim sa lungsod n...
Matagumpay na isinagawa ng isang forum hinggil sa peace and order na kung saan ay naging kabahgi dito ang sektor ng mga Muslim sa lungsod ng Lucena.
Dumalo rin sa aktibidad na nabanggit sina Malik Sultan, ang acting head ng Muslim Affiars sa lungsod, Major Filven ng Philippine Army, Agent William Dulay ng Quezon PDEA at PCI Marcelito Platino, ang deputy chief ng Lucena PNP.
Sa naging panayam ng TV12 kay CADAC Head Malabanan, sinabi nito na layon ng nasabing seminar na maging kabahagi nito ang mga kapatid na muslim sa mga programa at proyekto ng lungsod particular na sa kapayapaan at katahimikan dito.
Dagdag pa ni Malabanan, isa rin sa nilalayon ng seminar na ito na mabigyan ng linaw ang ilang mga katanungan hinggil sa mga kapatid na Muslimna kung saan ay sa panahon ngayon ay hindi nawawala ang diskriminasyon sa mga ito.
Sa pamamagitan aniya ng programang ito ay maipapakita sa lahat ng mga Lucenahin na ang mga kapatid na muslim na naninirahan sa lungsod ay kaisa ng pamahalaang panlungsod gayundin ng mga nangangalaga ng katahimikan at kapayapaan dito sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto hinggil sa nasabing usapin.
Ayon naman sa Acting head ng Muslim Affairs sa Lucena na si Malik Sultan, sa pamamagitan rin ng forum na ito ay madaragdagan ang kaalaman ng mga muslim sa lungsod hinggil sa pagsugpo at paglaban sa terorismo na maaring mangyari sa hinaharap.
Isang magandang pagakataon rin ito ayon kay Malik Sultan upang makapagtanong sila hinggil sa matagal nang nararanasan ng mga muslim hindi lamang sa Lucena kundi maging sa ibang parte ng lalawigan at bansa tungkol sa diskriminasyon sa kanilang hanay.
Isa sa mga nararanasan aniya ng mga kapatid na muslim sa anumang panig ng basa at maging sa buong mundo ay ang nakatatak na sa isipan ng lahat na ang mga muslim ang nagpapasimula ng terorismo at kaguluhan sa isang lugar.
Ito aniya ang nais nilang mabigyan ng linaw at malaman kung mayroon bang batas sa ating bansa na nagproprotekta sa kanilang hanay hinggil dito.
Samantala, nagbigay naman ng taus pusong pasasalamat si Malik Sultan kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa aniya ay walang hanggang pagtulong sa kanilang sector.
Dagdag pa rin ng acting head ng Muslim Affiars, sa loob ng panunnungkulan ni mayor Dondon Alcala ay hindi sila kahit kalian nakaranas ng kahit anumang uri ng diskriminasyon at bagkus ay tinutulungan pa sila nito a kanilang mga programa at proyekto.
Sa pagsasagawa ng ganitong uri ng forum, mas magiging mulat mata at ang kaisipan at ng mga Muslim sa Lucena sa mga iligal na aktibidad ng mga terorismo at magkakaroon sila ng pagkakataon na masugpo agad ito at hindi na makapaminsala pa sa kung sino man.
Gayundin isang pagkakaton rin ito para sa kanilang hanay upang ipakita sa lahat na hindi lahat ng mga Muslim ay masasamang tao lalo na ang mga naninirahan sa Bagong Lucena ay mas gusto ang matahimik at mapayapang pamayanan. (PIO Lucena/ R. Lim)
Idinaos ang naturang katibidad sa 3rd floor ng Pacific Mall Lucena na kung saan ay pinamunuan ito ng head ng City Anti-Drug Abuse Council na si Francia Malabanan.

No comments