Sa harapan ng mga panauhin at ng iba pang mga magulang at guro ay pormal na nanumpa ang mga bagong hirang na officers ng General Parents ...
Bilang pagsuporta sa isinagawang gpta induction and turn over ceremonies ng reymar elementary school na pinamumunuan ni maria corazon at ng bagong hirang na presidente ng gpta na si allan reyes, dumalo sa nasabing seremonyas ang executive assisitant ii ni mayor dondon alcala na si arnel avila, at mga opisyales ng barangay gulang-gulang na sina kapitan narfil abrencillo kasama ang mga kagawad nito na sina kagawad alex abdon, michael yap, jing de guzman, oning torio, ramon talaga iii, at flora sarmiento.
Naging saksi ang mga ito sa panunumpa ng mga officers na tutupdin ang kani-kanilang mga tungkulin at pangangakong itataguyod ang mga bagay na makatutulong sa kaunlaran ng mga nasabing paaralan.
Matapos ito, nagtungo ang mga panauhin sa kaparehong aktibidad na ginanap naman sa gulang-gulang national highschool kung saan malugod na tinanggap ng principal ng gnhs na si rodolfo sena jr at gpta president na si oscar moreno ang mga bisita.
Nagbigay rin ng pagsuporta sa nasabing aktibidad sina konsehal william noche at ang anak nito na si wilbert mckinley noche.
Sa mensahneg ipinahayag ni konsehal noche para sa mga magulang at guro ng gnhs, binigyang diin nito ang kahalagahan ng gpta. Anito, kakailanganin ng mga guro ang tulong ng mga magulang pagdating sa pagpapasunod sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan rin umano ng samahan ay nagkakaroon ng tagapamagitan ang paaralan sa pamahalaang panlungsod, mga non-government organizations at mga indibidwal na may kakayahang tumulong upang mas mapaunlad at mapaganda ang kalidad ng edukasyon ng isang eskwelahan.
Nangako naman si kapitan abrencillo na magiging katuwang ng mga guro at magulang ang buong sangguniang barangay sa pagpapaunlad pa ng mga nasbaing paaralan. Anito, nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang mga gawain na makapagpapaganda pa sa kalidad ng eduskayson dahil dito nagmumula at nahuhubog ang talino at talento ng mga estudyanteng kalaunan ay mag-aangat at maipagmamalaki ng lungsod ng lucena.
Ang lahat umano ng ito ay nagiging posible lamang sa kadahilanang ang mga guro at mga magulang na nagtutulong-tulong ay may mga pangarap na siyang nagiging dahilan kung bakit ang mga mag-aaral ay natututo ring mangarap tulad ng mga ito.
Sa pamamagitan naman ni arnel avila ay ipinaabot ni mayor dondon alcala ang kanyang mensahe para sa mga magulang at guro. Ayon sa alkalde, huwag umanong mag-atubiling lumapit ang mga ito sa punong lungsod sakaling may mga problema at kahilingan. Handa umanong sumuporta at tumulong si mayor dondon alcala sa abot ng kanyang makakaya mas mapaganda lang at mas mapaunlad ang mga aspeto ng edukasyon sa lungsod ng bagong lucena. (pio lucena/c.zapanta)
No comments