Kasabay ng pamamahagi ng lokal na pamahalaaan ng basurahan sa mahigit isang libong jeepney drivers, umaasa ang hepe ng city general service...
Kasabay ng pamamahagi ng lokal na pamahalaaan ng basurahan sa mahigit isang libong jeepney drivers, umaasa ang hepe ng city general services office na si Rosy Castillo na magiging malaking katulungan ito para sa mas maayos na solid waste management ng lungsod.
Sa eksklusibong panayam ng tv 12 kay castillo kamakailan, sinabi nito na bilang hepe ng solid waste management, nais niyang lubos na matugunan ang kagustuhan ni Mayor Dondon Alcala na mas mapaganda at mas maisaayos pa ang solid waste management ng lungsod at isa umano sa mga hakbangin ng kanilang tangapan para dito ay ang pakikipagtulungan sa lahat ng sektor kabilang na ang mga myembro ng tricycle operators and drivers association o toda at jeepney operators and drivers assoiciation o joda sa lungsod.
Kaugnay nito, matatandaang kamakailan ay namahagi si Mayor Dondon Alcala ng basurahan sa mahigit 1000 jeepney drivers sa lungsod na siyang ilalagya ng mga ito sa mga pampublikong sasakyan na kanilang pinapasada.
Responsable rin umano ang mga driver na sitahin ang kani-knailang mga pasahero na sumusuway at nagtatapon sa hindi tamang lugar.
Dagdag pa nito, pagdating ng mga driver sa kanilang mga tahanan, ang mga ito na ang bahalang magsegrega at magtapon ng mga basura.
Umaasa si Castillo na sa ganitong paraan ay wala nang magiging rason ang mga pasahero upang hindi magtapon sa tamang lugar. Maiiwasan rin umano ang di kaaya-ayang tanawin ng mga nagkalat na maliliit na basura gaya ng pinagbalatan ng tsitsirya, candy at mga plastic na bote na walang pakundangang itinatapon lamang ng mga pasahero sa kalsada.
Naniniwala si Castillo na ang isang maliit na hakbangin gaya nito ay malaki ang maitutulong hindi lang para sa kalinisan ng lungsod kundi pati na rin ng kalusugan ng mga mamayang naninirahan dito. (PIO Lucena/c.Zapanta)

No comments