LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Matagumpay na isinagawa ang ika-apat na pagdaraos ng programang “City Hall sa Barangay” na kung saan ay ginanap ...
Pinangunahan ni mayor Roderick “Dondon” Alcala ang nasabing aktibidad kasama sina Councilors Vic Paulo, mga dating konsehal na sina Amer Lacerna at Danny Faller at ang kapitan ng nasabing barangay na si Rolando Ebreo.
Present rin dito si City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr at ang iba’t-ibang mga department heads na siya namang namuno sa paghahatid ng mga serbisyo sa mga mamamayan dito.
Tinatayang mahigit naman sa 500 mga residente ng nasabing barangay at mga karatig nito na Brgy. Ilayang Talim at Salinas ang napagkalooban ng pamahalaang panlungsod ng iba’t-ibang uri ng serbisyo.
Sa maiksing programa na isin agawa dito, nagbigay ng kani-kaniyang mensahe ang mga nabanggit na konsehales ng bayan at pinasalamatan nila si Mayor Dondon Alcala dahilan sa paghahatid ng ganitong uri ng programa para sa mga mamamayan ng Lucena.
Sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala, binigyang pasasalamat nito ang lahat ng mga department heads na nakibahagi sa nasabing programang ito.
Inilahad din ng alkalde ang lahat ng mga programa at proyektong inihatid ng city government dito na kung saan aniya ay kahit na maituturing na maliit lamang itong barangay ay labis labis naman ang naihatid ditong mga programa at proyekto para sa mga naninirahan sa lugar.
At matapos na makapagsalita ng punong lungsod, pormal nang sinimula ang paghahatid ng mga serbiyo sa mga residente ng Brgy. Ibabang Talim, Ilayang Talim at Salinas na nagtungo dito.
Ilan sa mga inihatid na serbisyo dito ay ang pagkakaloob ng libreng salamin sa mata hatid ng City Health Office sa ilalim ng Programang Bagong Lucena Heatlh Program o BLHP.
Gayundin ang libreng bunot sa mga bata at matatanda at ang check-up naman para sa mga kababaihan at buntis.
Nagkaloob rin ng libreng notary ang City Legal Office habang libreng rehisrtro naman para sa mga hindi pa nakapagpaparehistro o may problema sa kanilang birth certificate gayundin ang sa marriage contract at death certificate ang City Civil Registrar’s Office.
Pagdatingnaman sa usapin ng kalinisan, nagkaloob naman ng mga push carts na magagamit ng mga eco aide sa kanilang pangongolekta ng basura sa lugar at ilang piraso ng mga toilet bowls at semento ang City Genereal Services Office.
Bukod sa mga nabaggit na serbisyong ipinagkaloob sa mga mamamayan dito ay iba’t-ibang pa ring serbiso ang ibinigay ng ilan pang mga tanggapan ng pamahalaang panlungsod sa mga ito na kanilang tiyak na mapapakinabangan.
Ang paghahatid ng ito ng ganitong uri ng programa sa barangay ay upang mailapit ito sa mga residetne ng blugar na hindi makapagtungo sa Lucena City Government Complex dailan sa iba’t-ibang mga rason tulad ng kalayuan at kawalan ng oras dahilan sa kanilang pagtratrabaho.
Dahilan sa isa sa hinahangad ni Mayor Dondon Alcala para sa mga Lucenahin ay ang mapagsilbihang mabuti ang mga ito ng maayos at sa kaginahawahan ng mga ito. (PIO-Lucena/ R. Lim)
No comments