Aabot sa mahigit pang 30 mga bagong negosyo ang nadagdag sa bilang ng mga nalalapit nang buksan sa lungsod ng Lucena. Ito ay matapos na ...
Aabot sa mahigit pang 30 mga bagong negosyo ang nadagdag sa bilang ng mga nalalapit nang buksan sa lungsod ng Lucena.
At bago pa man mapirmahan ang mga ito ng alkalde, nagbigay tagubilin ito sa mga dumalo dito hinggil sa ilang mga patakaran na ipinatutupad sa mga bagong mgtatayo ng negosyo sa Lucena.
Ayon kay Mayor Alcala, kinakailangan na ang mga kukuhaing mga empleyado ng mga ito ay lehitimong Lucenahin at ito ay dahilan sa ipinatutupad na ordinansang ipinasa ng Sangguniang Panlungsod.
Ito aniya ay upang matulungan ang mga mamamayan ng lungsod na magkaroon ng trabaho at hindi na kinakailangan pang magtungo sa malalayong lugar upang makapgtrabaho.
Gayuundin, buong ipinagmalaki rin ni Mayor Dondon Alcala na sa kaniyang panunungkulan ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibigay o pagreregalo ng anumang uri sa lahat ng kawani ng pamahalaang panlungsod na kanilang kahaharapin sa pag-aayos ng business permit.
Ito aniya ay upang maiwasan ang pagkakaroon ng korupsyon o red tape sa lahat ng ahensya ng city government at upang hindi na mahirapan pa ang mga nagnanais na maglagak ng kanilang negosyo sa Lucena.
At sakali aniya na magkaroon ng ganitong uri ng insidente ay hiniling ng punong lungsod na ipagbigay alam ito sa kaniya upang agarang mabigyan ng kaukulang aksyon.
Lubos ring pinasalamatan ni Mayor Dondon Alcala ang lahat na mga bagong negosyantengito sa kanilang ginawang pagtitiwala na maglagak ng kanilang negosyo sa Lucena.
Matapos nito ay isa-isa nang nilagdaan ni Mayor Alcala ang kanilang business permit hudyat na pinapayagan na ang mga ito na makapagnegosyo sa lungsod.
Pinasalamatan rin naman ng mga bagong negosyante ng Lucena si Mayor Dondon Alcala sa pagbibigay nito ng pahintulot na makapagnegosyo sa lungsod at matulungan rin ang iba pang Lucenahin sa pamamagitan ng pagkakaloob ng trabaho para sa mga ito.
Ang patuloy na pagdami ng mga negosyanteng naglalagak ng kanilang negosyo sa Lucena ay isang senyales na patuloy at patuloy pa rin sa pag-unalad ang lungsod ng Bagong Lucena at s pagdami nito ay tiyak rin ang paglago ng koleksyon ng pamahalaang panlungsod na siya namang magagamit para sa iba’t-ibang prograpa at proyekto na tiyak na mapapakinabangan ng lahat ng mga Lucenahin. (PIO Lucena/ R. Lim)
Ito ay matapos na lagdaan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang kanilang business permit na ginanap sa conference room ng Mayor’s Office.

No comments