Sa inilahad na pribilehiyong pananalita ni Konsehal Nick Pedro sa regular na sesyon kamakailan, ipinaalala nito sa mga mamamayan ang mga kag...
Kaugnay nito, nagbigay ng pagsuporta at pasasalamat ang ilang mga konsehal sa pagdadala ni Pedro ng nasabing usapin sa sanggunian.
Ayon kay Konsehal Sunshine Abcede-Llaga, bagamat taun-taon nang napag-uusapan ang naturang isyu na mahigit sa apat napong taon nang nakakalipas, sadyang kinakailangan na patuloy pa ring ipabatid sa mga mamamayan lalo’t higit sa mga kabataan kung anu ba talaga ang nangyari sa bansa noong panahon ng batas militar.
Dagdag pa ng konsehala, hindi man niya naabutan ang panahong ito ngunit, isang mabigat na suliranin ang dinanas ng kanyang pamilya dahil dito.
Ayon pa dito, sa kasalukuyan ay madami pa ring mga Pilipino ang hindi pa rin nakakalimot sa mga pangyayari.
Gayundin ay patuloy pa ring nananalaytay sa ilang mga pamilya ng mga lumaban at nakiisa sa rebolusyon ang sakit dahil sa kinahatnan ng kani-kanilang mga mahal sa buhay.
Ayon pa kay Abcede, maraming mga mamamayan, maging mga estudyante noon ang inaresto at nawala tulad na lang nina Bobong Sumilang na na-ambush ilang araw bago ang People power revolution at ni Abet Enriquez, isang student activist na dinakip at magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita.
Ikinalungkot din nito ang ilang pangyayari na nagpapakita ng tila pagbabaliktad o pag-iiba ngayon sa kasaysayan ng batas militar.
Ito rin ang ipinahayag ni Konsehal Anacleto Alcala III kasabay ng pagbabahagi nito ng diumano’y pagbabago ng mga libro at konteksto hinggil dito.
Dagdag pa nito, sadyang nakakalungkot isipin na tila mayroong mga ganitong pangyayaring nagaganap sa bansa ngayon.
Hindi man ito inabutan ng mga kabataan ngayon, nawa ay maging bukas ang pag-iisip ng lahat sa tunay na pangyayari sa kasaysayan at mamutawi sa knai-kanilang pag-iisip ang diwa ng pagkamakabayan. (PIO-Lucena/M.A.Minor)
No comments