Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

ILANG MGA DAYCARE CENTERS SA LUNGSOD, MAGSISILBING BENEPISYARYO NG ISINAGAWANG FUN RUN FOR A CAUSE NG SK

By C.zapanta LUCENA CITY - Mahigit sa isang-daang estudyante ng daycare centers sa 3 brgy sa lungsod ang mabiyayaan ng libreng school su...

By C.zapanta




LUCENA CITY - Mahigit sa isang-daang estudyante ng daycare centers sa 3 brgy sa lungsod ang mabiyayaan ng libreng school supplies ng sangguniang kabataan sa pangunguna ni sk federation president patrick nadera.

Sa nakalipas na flag raising ceremony kamakailan, ibinahagi ni konsehal patrick nadera ang naging magandang resulta ng mga isinagawang aktibidades ng sangguniang kabataan noong nakaraang buwan ng agosto alinsabay sa selberasyon ng national youth day.



Isa na aniya dito ang matagumpay na pagdaraos ng inorganisa nilang fun run for a cause kung saan imbis na pera, nagsilbing registration fee ng mga partisipante ang mga plastic na bote, coloring books at krayola.

Nagsilbing papremyo naman para sa mga nagwaging barangay gaya ng brgy ibabang dupay, bocohan,at ilayang iyam ang mga nalikom nilang coloring books at crayons kung saan ipapamahagi ng sangguniang kabataan ang mga kagamitan sa lahat ng daycare centers na nasasakupan ng mga nasabing lugar.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang hepe ng city social welfare and development office na si malou maralit sa sangguniang kabataan dahil isa ang mga ito sa tumutulong sa daycare program na pinasimulan ni mayor dondon alcala.

Malaking tulong umano ang ipinagkaloob na mga kagamitan sa mga magulang lalo’t higit sa mga estudaynte dahil bukod sa mga school supplies na ibinibigay ng alkalde sa mga daycare centers, nagkakaroon ang mga kabataan ng dagdag na mga kagamitan na magiging malaking kapakinabangan sa patuloy na paglinang sa kanilang mga kaalaman.

Ang ganitong mga hakbangin umano ng sangguniang kabataan ay nagpapatunay lamang na kaagapay ng lokal na pamahalaan ang mga ito pagdating sa pagtutok at pagpapaunlad ng mga lucenahin sa aspeto ng edukasyon.

Binigyang pansin rin nito ang kapamaraaanan ng sk federation sa pagtulong sa kalikasan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga plastic na bote bilang kapalit ng kanilang registration fee.

Sa ganitong paraan umano ay naiipon at nagkakaroon ng malaking kapakinabangan ang mga basura na maaari pang irecycle. Patunay lang rin ito na unti-unting nagiging listo at mas nagkakaroon ng malasakit ang mga kabataan sa ating kapaligiran.

Samantala, umaasa rin ang hepe na patuloy na magiging kaagapay ng cswdo ang sangguniang kabataan sa mga darating na panahon.(pio lucena/c.zapanta)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.