Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

ILANG MGA PROYEKTO NG BARANGAY 10, PINAGPAPATULOY NI KAPITAN ARNEL MAGBANLAC

Upang mas lalo pang mapagtuunan ng pansin ang kalinisan at kaayusan sa barangay ay ipinagpapatuloy ni Kapitan Arnel “Long Long” Magbanlac a...

Upang mas lalo pang mapagtuunan ng pansin ang kalinisan at kaayusan sa barangay ay ipinagpapatuloy ni Kapitan Arnel “Long Long” Magbanlac ang ilang proyekto ng Barangay 10.

Sa panayam ng TV12 kamakailan sa butihin kapitan ay sinabi nito na noong siya ay kagawad pa lang ng barangay hawak niya ang committee on Clean and Green, Environment.

At ngayon aniya ay kapitan na siya kalinisan ng kapaligiran sa kanilang barangay ang isa sa pinagtutuunan ng kaniyang pansin ng sangguniang barangay.

Ayon pa dito, ganoon din ay pinagpapatuloy pa rin nito ang pagpapapintura sa ilang pader sa kanilang lugar na may nakapinta na clean and green at iba pa.

Samantalang dagdag pa ni Kapitan Magbanlac, na ilan pa sa proyekto na kanilang barangay na nagawa at gagawin pa ay ang pagpapasemento sa bahagi ng manggahan purok Sampaguita 1.

Ayon ito ay para maisakatuparan ay pinagtulungan nila ni dating kapitan Jack Maligalic para mapasementuhan ang naturang lugar.

Idinagdagdag pa ni Magbanlac, anuman araw ay pasesementuhin na rin nila ang natitirang bahagi ng kalsada sa lugar.

At sa buwan ng October ay masasabi na aniya niya na kalsada ito kapag natapos na ang proyekto.

Ayon pa rin kay Kapitan Arnel Magbanlac, malaki naman ang benipisyong hatid ng pagsasagawa ng kalsadang ito para sakaniyang mga kabarangay sa nasabing lugar.

Sapagkat hindi magiging maputik at hindi na rin masyadong babaha dito dahilan sa medyo tumaas.

Magkaroon man ng tubig ay malalakaran at madadaanan ito ng kaniyang kabarangay.

Ilang lamang ang mga nabanggit na proyekto kanilang ginagawa sa kanilang barangay. (PIO Lucena/ J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.