Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

ISANG LINGGONG SELEBRASYON NG ARAW NG MGA KAWANI NG PAMAHALAANG PANLUNGSOD, PINASIMULAN NA

“Sa sama-samang pagtutulungan at pagkakaisa, tagumapy natin ay nakamit na, patuloy nating pangalagaan ang bawat-isa para sa mas maunlad na ...

“Sa sama-samang pagtutulungan at pagkakaisa, tagumapy natin ay nakamit na, patuloy nating pangalagaan ang bawat-isa para sa mas maunlad na bagong lucena.”, ito ang bahagi ng mensahe ng presidente ng lucena city government employees union o lcgeu na si julie fernandez para sa mga kapwa niya lingkod-bayan sa nakalipas na regular flag raising kamakailan.

Alinsabay sa selebrasyon ng ika-118 taong anibersaryo ng philippine civil service commission, inihayag ni fernandez ang inihandang aktibidades ng lcgeu para sa isang linggong selbrasyon ng araw ng mga kawani ngayong taon.

Ayon dito, mula noong ika-6 ng setyembre ay nagtagisan na ng galing sa larangan ng larong basketball at bowling ang mga kawani mula sa iba’t-ibang departamento para sa kawani sports fest na kanilang pinasimulan.

Kasama rin sa hanay ng mga aktbidades ang katatapos lamang na oath taking ng mga hinirang na bagong board of directors at officers ng lucena city government emoloyees union gayundin ang pagbibigay ng pagkilala sa mga empleyado ng lokal na pamahalan na naglingkod sa mga mamamayan sa loob ng 25 taon.

Sa loob naman ng 5 araw ay magkakaroon rin kawani hourly raffle sa lcgc kung saan inaasahang nasa 40 epmlyeado ang mabibigyan ng iba’t-ibang papremyo.

Kaisa naman ang city heath office ay magkakaroon rin umano ng free health sevices ang mga empleyado ng pamahalaang panlungsood kung saan bukod sa medical at dental services, mayroon ding libreng hearing screening test at seminar na ipagkakaloob para sa mga ito.

Sa tulong naman ng mga estudyante mula sa lucena city manpower skills training center ay mapagkakalooban rin ang mga natatanging kawani ng libreng masahe, gupit , manicure at pedicure.

Mayroon ding inihandang image enhancing seminar at lcgu bonanza para sa mga ito.

Para naman umano sa huling araw ng selebrasyon, magsisilbing culminating activity ang idadaos na teambuilding cum palarong kawani na pangungunahan ng mga kawani ng deped.

Kaugnay nito, nagpasalamat si fernandez sa mga sponsors na nagkaloob ng kanilang suporta para sa selebrasyon gaya ng markcafe, budsmate wellnessss spa and massage center, nailsand wellness and spa, realskin age managemnet and medical aesthetics.

Hindi rin aniya maisasakatuparan ang lahat ng kanilang plano kung wala ang tulong at suporta mula sa punong lungsod ng bagong lucena na si mayor dondon alcala kaya’t hinikayat ni fernandez ang lahat ng mga kawani na suklian ang suportang ibinibigay ng alkalde sa pamamagitan ng pagkakaloob ng isang malinis, mabilis, magalang at may malasakit na uri ng serbisyo sa mga mamayang lucenahin. (pio lucena/c.zapanta)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.