Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kagamitan para makaiwasa sa dengue, ipinagkaloob ng City Health Office sa pamunuuan ng brgy. Ibabang Talim

Dahilan sa isa sa mga nauusong sakit ngayon sa buong bansa ang dengue at sa pagnanais na walang mabiktima o kundi man ay mabawasan ang bilan...

Dahilan sa isa sa mga nauusong sakit ngayon sa buong bansa ang dengue at sa pagnanais na walang mabiktima o kundi man ay mabawasan ang bilang ng nagkakasakit nito, isang kagamitan para makaiwas dito ang ipinagkaloob ng City Health Office sa pamunuuan ng Brgy. Ibabang Talim kamakailan.

Pinangunahan ni City Health Officer Dra. Jocelyn Chua ang pagkakaloob ng misting machine sa ginanap na City Hall sa Barangay sa naturang lugar.

Sa naging pananalita ni Dra. Joy Chua, isa aniya ang naturang barangay sa may mataas na bilang ng mga pasyenteng nagkakaroon ng sakit na dengue batay sa tala ng CHO.

Dagdag pa ni Dra. Chua, kasama ng nabanggit na kagamitan ang gamut para dito at gagamitin ito sa loob ng isang linggo na kung saan ay iikutin ngmga gagamit nito ang buong barangay upang maging epektibo ang naturang operasyon kontra sa dengue.

Sa huli nagbigay tagubilin rin ang city health officer sa lahat ng mga residente ng Brgy. Ibabang Talim at maging sa mga karatig na barangay nito na wala pa rin aniyang mas hihigit pa na makaiwas dito kundi ang paglilinis sa kapaligiran.

Aniya kinakailangan na alisin ng mga mamamayan dito ang makikita nilang nakatining na tubig na siyang pinagiitlugan ng mga lamok na naghahatid ng sakit na dengue.

Umaasa rin si Dra. Chua na sa pamamagitan ng kagamitang ito ay pagbaba ng bilang ng mga kaso ng nasabing sakit sa lugar at maging sa karatig na barangay nito.

Ang pagkakaloob ng misting machine na ito ng City Health Office sa pamunuuan ng Brgy. Ibabang Talim, sa pamumuno ni Brgy. Chairman Rolly Ebreo, ay dahilan sa pagnanais na tuluyan nang mawalan o kundi man ay mabawasan ang bilang ng mga nagkakaroon ng ganitong uri ng sakit. (PIO-Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.