Sa ginanap na City Hall sa Barangay sa ika-apat na pagkakataon na isinagawa sa Barangay IbabangTalim. Kung saan ay dinagsa ito ng mga mamama...
Kung saan ay dinagsa ito ng mga mamamayan sa naturang lugar.
At Bago pa man mag-umpisa ang naturang aktibidad ay nakapanayam ng TV12 ang Kapitan ng Barangay Ibabang talim na si Rolando Ebreo.
At dito ay nagpasalamat ang punong barangay kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa pagsasagawa ng programa sa kanilang lugar.
Ayon kay Kapitan Ebreo, napakarami ng mga kabarangay niya ang napagkalooban ng iba’t ibang benipisyo hatid ng City Hall sa Barangay sa pangunguna ng Alkalde kasama ang ilang pang mga Department Heads ng pamahalaanpanlungsod.
Kung saan Ayon pa dito napakalaking bagay aniya ang ipinamahagi nito ng iba’t ibang kagamitan tulad ng gamit pang-agrikultura, ganoon din ang mga libreng check-up hatid ng City Health Office at iba pa.
Muli naman ay pinasalamatan nito ang punong ehekutibo, at sinabi nito na Alkalde, napatuloy at walang sawang isagawa ang nasabing programa at proyekto sa bawat barangay sa lungsod ng lucena lalo na sa kanilang barangay.
Samantalang nagbigay naman ng mensahi si Chairman Ebreo sa kaniyang mga kabarangay sa IbabangTalim.
Nawa aniya ay suportahan nila ang mga programa at proyekto ng pamahalaan panlugnsod sa ilalim ng Administrasyon ng bagong lucena sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala.
Dahilan sa isa ang kanilang barangay sa mga nabiyayaan ng benipisyong inihahatid ng city goverment tulad na lamang ng programang City Hall sa Barangay. (PIO-Lucena/ J. Maceda)
No comments