Upang mas mapalapit ang sangguniang barangay ng Dalahican sa mga kabarangay nila ay isang programa ang kamakailan ay inilunsad ng mga ito. ...
Upang mas mapalapit ang sangguniang barangay ng Dalahican sa mga kabarangay nila ay isang programa ang kamakailan ay inilunsad ng mga ito.
Ang nasabing programa ay Purok Visitation kung saan ay kauna-unahan isinagawa sa purok 7 sa bahagi ng Sta. Teresa, Basketball Court.
Pinangunahan naman ang naturang aktibidad na ito ni Kapitan Roderick Macinas kasama ang lahat ng kaniyang kagawad, barangay secretary, SK Chairperson at iba pang SK Officials ng barangay.
Ganoon din ay naroon ang kinatawan mula sa Lucena City PNP sa katauhan ni PO2 Anna Parral.
Ang Konsepto ng aktibidad ay para sa kalinisan, kaayusan at kapayapaan ng barangay nila upang labanan ang krimen, iligal na droga at para na rin sa kalinisan sa barangay ng sa ganoon ay paipamana sa bago at susunod na henerasyon.
Layunin din gawain na ito na makuha ang mga suhestyon at komento ng mga mamamayan at maiparating sa barangay ang mga suliraning kinakaharap sa bawat purok.
Ipinakilala rin sa gawain kung sino ang mga napiling Purok Leader, purok coordinator at ang mga Barangay Police na naninirahan sa nasasakupan ng Purok 7.
Samantalang sa mga darating na mga araw ay susunod naman na bibisitahin ng kanilang barangay ay ang purok 6 na dapat sana ay nitong nakaraang sabado, subalit ipinagpaliban sapagkat mayroon bagyo. (PIO-Lucena/J. Maceda)

No comments