“Ang wastong edukasyon ay pahalagahan. Ito ay susi sa iyong kinabukasan”. Bagamat tila gamit na gamit na ang kasabihang ito, ang edukasyon ...
“Ang wastong edukasyon ay pahalagahan. Ito ay susi sa iyong kinabukasan”. Bagamat tila gamit na gamit na ang kasabihang ito, ang edukasyon pa rin ang maituturing na isa sa mga susi para sa katagumpayan.
Sa pagsusulong ng pagbibigay ng maayos na edukasyon para sa mga kabataan, patuloy ang isinasagawang pagkakaloob ni KOnsehal Sunshine Abcede- Llaga ng mga bookboxes sa mga daycare centers sa lungsod.
Ang mga nasabing bookboxes ay naglalaman ng ilang mga children’s books na maaaring magamit ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
Kabilang sina teachers Asila Marie Rios, Marieta Septimo at Neriza Rivera ng mga day care centers sa lungsod mula sa Barangay 3, 5 at 10, sa mga gurong tumanggap ng mga naturang kagamitan.
Gayundin ay napagkalooban ng mga babasahing libro ang Mayao Silangan Elementary School na siya namang tinanggap ng principal ng paaralan na si Jocelyn Villenas.
Nakiisa rin sa pamamahagi ang ilang barangay officials at SK Chairman ng mga barangay na nabaggit kabilang sina Patricia Ayala, Dainiel Jose Uy III at King David Adion.
Patuloy pa din ang pagnanais ni Konsehal Llaga na mamapanatili ang kahalagahan ng edukasyon sa pamamagitan ng pagbabasa at paglinang sa angking kagalingan ng mga kabataan. (PIO-Lucena/M.A Minor)

No comments