Nagpasalamat si Konsehal Sunshine Abcede-Llaga sa pagkilala at pagbibigay pugay ni Konsehal Nick Pedro sa pribilehiyong pananalita nito, sa...
Nagpasalamat si Konsehal Sunshine Abcede-Llaga sa pagkilala at pagbibigay pugay ni Konsehal Nick Pedro sa pribilehiyong pananalita nito, sa angking kagalingan ng mga kababaihan sa larangan ng sports.
Inilahad kasi ni Pedro ang naging katagumpayan ng apat na mga kababaihang Pilipino sa naganap kamakailan na Asian Games.
Ayon pa kay Llaga, ang pagkakapanalo ng mga ito ay nagpapakita lamang na kaya ng Pilipina na makipagkompitensya hindi lang sa national level kundi maging sa international competition.
Kasabay nito ay ibinahagi rin ni Llaga ang mga programang isinusulong ng gender focal point system ng lungsod partikular na sa mga kababaihan.
Aniya, sa pagpaplano ng mga programa para sa kababaihan sa ilalim nito ay napagkasunduan ang paglulunsad ng women’s livelihood center.
Napag-usapan din ang mga programang pangkalusugan ng mga kababaihan at ang pagbubuo ng circle of women na isang samahan ng mga kababaihan.
Inaasahan din ang pagkakaroon ng women friendly o gender sensitive na Lucena City hall na kung saan ay mayroong breast feeding center para sa mga ina. (PIO Lucena/ M.A. Minor)

No comments