Sa isinagawang regular na sesyon ng sangguniang panlungsod kamakailan ay binuksan ni Senior Councilor Anacleto Alcala III ang usapin hinggi...
Sa isinagawang regular na sesyon ng sangguniang panlungsod kamakailan ay binuksan ni Senior Councilor Anacleto Alcala III ang usapin hinggil sa Coco Levy Fund sa pamamagitan ng prebilihiyong talumpati nito.
At sa ginanap na interpulasyon ay tumayo dito si Konsehal William Noche, kung saan ay tinanong nito si Konsehal Alcala.
Na kung maari ba aniya na ilipat o maipasa ang karapatan ng na mayapanang may-ari ng lupa sa kaniyang mga benipisaryo.
Tulad na lamang aniya ng kaniyang tiyahin na sa bahagi ng talao talao nakatira na dito ay may malawak na niyugan at may mga sertipiko itong ipinakikita sa kaniya bilang isa ito sa benipisaryo ng coco levy.
Namayapa na ang kaniyang tiyahin at muli ay tinanong nito si Konsehal Third na naililipat ba sa kaniyang mga anak ang karapatan na hindi maiwas kung nawala sa nakatala sa nasabing fund.
Sa naging sagot naman ni Councilor Third Alcala, mayroon naman aniya siyang listahan ng mga pangalan ng mga farmers sa lungsod ng lucena.
Ayon pa kay Alcala, ipagpalagay na nawala ang pangalan eh malalaman natin ang mga kasagutan ito sa mga tanong ni konsehal Noche.
Dahilan sa susunod ng sesyon ay iimbitahan natin ang ilang mga opisyales mula sa Philippine Coconut Authority o PCA.
Sinabi pa nito na dito natin malalaman kung papaano makapagpapatala ang mga farmers, pero ang mahalaga naman umano ay nagtatrabaho bilang coconut farmers.
Dagdag pa ni Third Alcala, na binigyan aniya tayo ng PCA ng anim na buwan. kung kaya naman bababa ang mga ito dito sa lungsod ng lucena.
At idinagdag pa nito na bago mahuli ang lahat ay makapagpatala na sila.
Samantalang sa huli ay binanggit naman ni Konsehal William Noche na nawa ay magbinipisyo ang ating mga coconut farmers at maging ang mga benipisaryo ng mga ito. (PIO-Lucena/J. Maceda)

No comments