Editorial May Economist na istudyante ang na nagbanggit sa isang klase na ang rate ng implasyon ay inaasahang tumaas hanggang 10% sa D...
May Economist na istudyante ang na nagbanggit sa isang klase na ang rate ng implasyon ay inaasahang tumaas hanggang 10% sa Disyembre. Isipin mo kung gaano karami sa atin ang hindi makapaghanda ng Noche Buena sa ating tahanan. Ngayong 2018, ang Pasko at si Jose Mari Chan ay maaaring ma-cancela. Ano nga ba ang implasyon?
Ayon sa ekonomika, ang implasyon o implasyon ang pagtaas sa pangkalahatang antas ng mga presyo ng mga kalakal at mga serbisyo sa isang ekonomiya sa loob ng periodo ng panahon. Kung ang pangkalahatang antas ng presyo ay tumataas, ang bawat unit ng salapi ay makakabili ng mas kaunting mga kalaka at mga serbisyo. Dahil dito, ang implasyon ay isa ring repleksiyon ng pagguho ng kakayahang pagbili ng pera na isang kawalan ng real sa halaga sa panloob na kasangkapan ng pagpapalit at unit ng kahalagan sa ekonomiya.
Ano nga ba ang tunay na mga sanhi ng mataas na implasyon ngayon?
Ang ibang mga ekonomiks ang TRAIN at Build Build Build program, pagtaas ng dolyar at masyadong maluhong gastos daw ng gobyerno ang mga sinasabing dahilan ng naging pagbilis ng implasyon na kasalukuyang nararanasan natin.
Pero sinisisi naman ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga taripa ng Pangulo ng US na si Donald Trump. Nagpatupad ang US ng taripa sa China dahil sa ilang kontrobersyal na trade practices nito kabilang ang pagbebenta ng kanilang produkto ng mas mahal para sa mga American consumers at businesses.
Gayunman, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang dahilan ng mas mataas na inflation rate para sa August 2018 ay ang mataas na presyo ng bigas, kuryente at transportasyon.
Ang mga Dutertenomics ay maging matapat sana sa pagpapaliwanag sa tunay na mga sanhi ng mataas na implasyon.
Sabi pa ng pangulo hindi raw siya nahingi ng paumanhin dahil mayroon talagang implasyon sa Pilipinas at sinusubukan niyang kontrolin ito. Pati sana paghina ng piso makontrol rin.
No comments