Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

LDRRMO, NAMAHAGI SA MGA BARANGAY SA LUNGSOD NG DISASTER EMERGENCY KITS

Ipinagkaloob ng Lucena Disaster Risk Reduction and Management Office sa bawat barangay sa lungsod ang mga disaster kits na maaaring magamit...

Ipinagkaloob ng Lucena Disaster Risk Reduction and Management Office sa bawat barangay sa lungsod ang mga disaster kits na maaaring magamit ng mga ito sa panahon ng kalamidad o sakuna.

Kabilang sa mga nilalaman ng disaster kit ay alcohol, bandages, oxygen regulator at tank, mga gamot at iba pang medical supplies.

Ayon kay Janet Gendrano, hepe ng nasabing tanggapan, ang pamamahagi ng mga kagamitang pang-sakuna ay bahagi ng barangay emergency response team training ng tanggapan katuwang ang Bureau of Fire Protection Lucena sa pamumuno ni Fire Chief Arlene Balais, na idinaos kamakailan at dinaluhan ng mga opisyales ng sangguniang barangay sa lungsod.

Dagdag pa nito, ang nasabing training ay isinagawa bilang paghahanda sa pag adapt ng lungsod sa emergency 911 program bagamat hindi pa ito tuluyang naisasakatuparan dahilan sa kawalan pa ng implementing rules ang regulations nito.

Bukod sa mga disaster kit na ipinamagi ay nagbigay din ng pagkilala ang ahensya sa pamamagitan ng sertipiko, sa mga barangay na aktibong nakikiisa at nakikilahok sa mga aktibidades na inoorganisa nila.

Malugod namang tinanggap ang mga ito ng mga kapitan ng bawat barangay at nagpasalamat ang mga ito hindi lang dahil sa mga kagamitang pang-sakuna na ipinagkaloon kundi pati na rin sa kaalamang kanilang natutunan sa nabanggit na training.

Nagpasalamat din si Gendrano sa mga punong barangay na isang daang porsyentong sumusuporta sa mga programa ng LDRRMO.

Sa huli ay inaasahan ang patuloy na pagsasagawa ng ahensya ng mga programang makakatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga mamamayan at pagkakaroon ng tamang kahandaan sa mga posibleng sakuna at kalamidad katuwang ang mga sangguniang barangay. (PIO-Lucena M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.