Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Lucena, ginawaran ng seal of child-friendly local governance

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Isang pamunuan na may malasakit sa mga mamamayan lalo’t higit sa mga kabataan, ito ang ipinagmamalaking katangi...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Isang pamunuan na may malasakit sa mga mamamayan lalo’t higit sa mga kabataan, ito ang ipinagmamalaking katangian ng pamahalaang panlungsod ng Lucena kasabay ng paggawad dito ng seal of Child-friendly local governance.

Sa naging panayam ng TV12 kay City Social Welfare and Development Office Head Malou Maralit, inilahad nito ang naging proseso bago matanggap ang kauna-unahang selyo hinggil sa pagiging child-friendly ng lungsod.

Ayon sa hepe, masusing siniyasat at tinignan ng DSWD- Council for the Welfare of Children katuwang ang DILG ang ilan sa mga kwalipikasyong dapat taglayain ng pamahalaan.

Kabilang na dito ang pagiging fuctional ng local council hinggil sa pagbibigay proteksyon sa mga kabataan sa pangunguna ng punong lungsod na si Mayor Dondon Alcala. Gayundin ay mga batas o ordinansang isinulong ng sangguniang panlungsod para sa mga ito tulad ng Code for children na binuo noong taong 2012 at nirebisa nitong nakaraang taon.

Malaking kaambagan din aniya ang pagiging partisipante ng mga kabataan sa bawat proyekto at programa na isinasagawa ng mga tanggapan at opisina sa pamahalaang panlungsod.Dagdag pa nito, isa pa rin sa kwalipikasyon ay ang pagkakaroon ng isang institusyon na maaaring mangalaga sa mga street children tulad ng Reception and Action Center.

Bawat barangay din aniya ay kinakailanagn na mayroong partisipasyon sa pamamagitan ng pagkakaroon Violence against womens and children’s desk at child development centers.

Ang VAWC desk ay isang sangay sa barangay na umaaksyon at rumeresponde sa mga reklamo ng pang aabuso sa mga kabtaan at kababaihan.

Habang lahat naman aniya ng barangay sa lungsod ay mayroong mga day care centers na kung saan ay libreng nakakapag-aral ang mga mag aaral na siyang naging dahilan na din ng pagtaas ng bilang ng mga nag-eenrol dito. Ang pagtaas ng mga enrolees na ito ay patunay lamang na nagugustuhan ng mga Lucenahin ang mga programa ng pamahalaang panlungsod tulad nito, para sa mga kabataan.

Ayon pa kay Maralit, kinakailanagn din aniya na may sapat na pondo para sa mga programa na tutulong at susuporta sa paglilinang ng talento at kakayahan ng mga kabataan. Gayundin ang pagbibigay ng City health office ng mga kaukulang bitamina at bakuna na kinakailangan hindi lamang ng mga kabataan kundi maging ng mga buntis. Bagamat nasa sinapupunan pa lang ang bata ay kinakailangn na natutulungan ang kanilang ina sa pamamagitan ng pagpapanatili ng maayos na kalusugan ng mga ito.

Ang pagiging isa sa mga local government units na may seal of child-friendly local governance ng lungsod ay malaking bagay hindi lang para sa pamahalaan kundi pati na din sa komunidad.

Sa huli ay inaasahan naman ang mas pagtutok pa sa kapakanan ng mga kabataan sa pamamagitan ng mga programang hatid ng pamahalaang panlungsod. (PIO-Lucena/M.A Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.