Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Magniniyog hinikayat na magpatala sa bilang coconut farmers

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Hinihikayat ko po ang ating mga kababayang magniniyog na magpatala bilang mga coconut farmers sa tanggapan ng P...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Hinihikayat ko po ang ating mga kababayang magniniyog na magpatala bilang mga coconut farmers sa tanggapan ng Philippine Coconut Authority.
Ito ang naging pahayag ni Konsehal Anacleto Alcala III sa naging panayam sa kanya ng TV12.


Kaugnay ito sa inilahad na pribilehiyong pananalita ng Konsehal na kung saan ay tinalakay nito ang pagkakaapruba ng dalawang panukalang batas para sa mga coconut farmers, sa Bicameral Conference committee.

At para naman mas maliwanagan ang mga mamamayang lucenahin ay minabuti ng konsehal na imbitahan ang Officer in Charge Regional Manager III ng PCA Region IV-A na si Atty. Andrew Ian Edrada at City Agriculturist head Melissa Letargo.
Aniya, matapos i-adapt ang senate version ng coco levy fund at isulong ang mga batas na agad na inaprubahan ng nasabing komitiba, nakahain na ito sa lamesa ni Pangulong Rodrigo Duterte at inaantay na lamang ang pagpirma nito upang maisabatas at maibalik ang coco levy fund sa mga magsasaka.

Ayon pa sa konsehal, sa kasalukuyan ay mayroon ang lungsod na nasa apat na daan at labing siyam na mga magniniyog na nakatala sa datos ng PCA.
Ninanais naman ni Konsehal Alcala na mas mapadami pa ang bilang ng mga ito dahil naniniwala siyang marami pa ang mga magniniyog sa lungsod ngunit hindi pa lamang nakakapagpatala.
Inaasahan naman ang isasagawang pagpapatawag sa mga samahan ng magninyog sa lungsod para sa pagbabahagi ng naturang usapin at para naman aniya sa mga samahan na hindi pa kinikilala ng sangguninan, kinakailangan magpa accredit sila upang maging isang ganap na lehitimong coconut farmers organization.
Ayon pa dito, pinapatala na din aniya niya sa City Agriculture and Fishery Council na isama ang usapin sa kanilang buwanang pagpupulong upang mapagbigay alam agad ito sa mga magniniyog.
Inilahad din ni Konsehal Alcala na nakausap na niya si ABC President Konsehal Jacinto “Boy” Jaca para iparating nito sa mga kapitan ng mga agricultural barangay sa lungsod na talakayin din ang nabanggit na usapin sa kani-kanilang barangay session.
Ang hakbangin na ito ay upang maipaalam ang inaasahang pagbabalik ng coco levy fund sa mga magsasaka, maging sa level ng barangay.
Kung ganap namang maisasakatuparan ito, kabilang sa mga benipisyong makukuha ng mga magniniyog ay ang iba’t ibang programa para sa ikalilinang ng coconut industry, scholarship grants para sa mga anak ng mga magsasaka, research and development, intercropping, fertilization at iba pa. (PIO-Lucena/M.A Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.