Aabot sa tinatayang mahigit na 1,400 mga senior citizens ang tumanggap ng kanilang birthday cash gift mula sa pamahalaang panlungsod kamaka...
Aabot sa tinatayang mahigit na 1,400 mga senior citizens ang tumanggap ng kanilang birthday cash gift mula sa pamahalaang panlungsod kamakailan.
Ang mga nabiyayaan ng naturang benipisyong ito ay ang nagsipagdiwang ng kanilang kaarawan para sa buwan ng Agosto.
Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, kaniyang binati ang lahat ng mga lolo at lola ng lungsod na nagsipagdiwang ng kanilang kaarawan para sa nakaraang buwan.
Gayundin buong pagmamalaki rin nito na sa buong lalawigan ng Quezon ay tanging dito lamang sa lungsod ng Bagong Lucena ang mayroong pinakamagandang benipisyo na natatanggap ang mga senior citizens.
Ilan aniya sa mga benipisyong natatanggap ng mga nakatatandang sector ng lungsod ay ang libreng panonood ng sine, at sa unang paggamit ng mga ito ng kanilang libreng sine ay mayroon pa rin itong libreng meryenda.
Gayundin ang libreng ballroom, at ang isa sa mga hinahangaan at pilit na ginagaya ng iba pang mga bayan at syudad ay ang pagkakaloob sa mga ito ng birthday cash gift na kung saan rin sa araw ng pamamahagi ng kanilang regalong ito ay mayroon ring ipinagkakaloob sa kanilang libreng masahe at libreng gupit.
Bukod pa rin dito, ipinagmalaki rin ng alkalde ang isang programa na kaniyang idinagdag para sa mga Lucenahin at lalo’t higit sa mga senior citizens na tinatawag na “Oplan Mata” na nasa ilalim ng programang Bagong Lucena Health Program o PLHP.
Sa ilalim ng nasabing programa, ang lahat ng mga senior citizens sa Lucena ay libreng nakapagpapacheck-up ng kanilang mata ngunit bago pa man ang mga ito mabigyan ng tamang lunas para sa kanilang karamdaman sa mata ay sinusuri muna ang mga ito ng iba pang maari nilang sakit upang matugunan rin ang mga ito.
Matapos na macheck-up ay isinusunod na dito ang pagtingin naman sa kanilang mata at inaalam ang grado nito upang maibigay ng tamang salamin para sa kanilang mga mata na libre ring ipinagkakaloob ng pamahalaang panlungsod.
At sakaling may makitang problema ang mga espesyalistng doctor sa kanila, tulad ng pagkakaroon ng katarata, ay agad itong inooperhan upang hindi na mapinsala pa ang kanilang paningin.
Binigyang pasasalamat rin ng alkalde ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Panlungsod, sa pangunguna ni Vice Mayor Philip Castillo, dahilan sa palagiang pag-aapruba ng mga ito sa lahat ng mga programa at proyekto para sa mga senior citizens ng Lucena.
At matapos na makapagbigay ng kaniyang mensahe ay pormal nang ipinagkaloob sa mga lolo at lolang nagdiwang ng kanilang kaarwan ang regalong ito ni Mayor Alcala.
Ang pagbibigay ng birthday cash gift sa mga senior citizens ng lungsod ay isang paraan lamang ni Mayor Dondon Alcala nang kaniyang pagbibigay pasasalamat at pagpapahalaga sa lahat ng kanilang naiambag at naitulong nito para sa lungsod ng Bagong Lucena.(PIO Lucena/ R. Lim)

Personal na ibinigay ito ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala kasama sina Councilors Anacleto Alcala III, Vic Paulo at dating konsehal Amer Lacerna.

No comments