Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga BHA sa lungsod tumanggap ng honorarium mula sa pamahalaang panlungsod

Bilang pasasalamat sa lahat ng mga nagawang tulong para sa maayos na kalusugan ng kanilang mga kabarangay, binigyang honorarium ng pamahala...

Bilang pasasalamat sa lahat ng mga nagawang tulong para sa maayos na kalusugan ng kanilang mga kabarangay, binigyang honorarium ng pamahalaang panlungsod ang lahat ng mga barangay health alliance sa Lucena.

Ginanap ang pamamahaging ito sa multi-purpose hall ng Lucena City Government Complex na kung saan ay personal itong ipinagkaloob ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.
Present rin sa nabanggit na aktibidad sina Konsehal Vic Paulo at dating konsehal na si Amer lacerna gayundin si Executive Assistant IV Joe Colar.

Sa programang isinagawa dito, at sa naging mensahe ni Mayor Dondon Alcala sa mga dumalo, sinabi nito na kung maari ay huwag na huwag aniyang magsasawa ang mga ito na tumulong sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng pamahalaang panlungsod lalo na sa aspeto ng kalusugan.

Gayundin, binigyang pasasalamat rin ng alkalde ang lahat ng mga BHA dahilan sa maayos a magandang ipinatutupad ng mga ito ang mga programa ng city health office lalo’t higit ang Bagong Lucena Health Programa o BLHP.

Isang kahilingan rin ang sinambit nito sa mga dumalo dito na sa susunod aniya na pagkikita nila ay mas mabuti na magkaroon ng pagpapalitan ng mga kuro-kuro kung paano mas mapapaganda pa ang serbisyo nila sa kanilang mga kabarangay.

At bilang pagpapakita na rin ng kaniyang taus pusong pasasalamat sa lahat ng naitulong ng mga ito sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng city health office, sinabi ng punong lungsod na magbibigay siya na isa pang set ng uniform ng mga ito na kanilang magagamit sa pagtratrabaho.
Ang pagdalong ito ni Mayor Dondon Alcala sa naturang okasyon ay bilang pagpapakita niya ng pasasasalamat sa lahat ng mga ginagawa ng BHA para sa maayos na kalusugan ng kanilang mga kabarangay gayundin ay isang paraan niya ito upang makadaupang ang mga ito at personal na alamin ang kanilang mga pangangailangan nang sa ganun ay agad itong matugunan.(PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.