Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga driver ng pampasaherong jeep sa lungsod bingyan ng mga trash can ng pamahalaang panlungsod

Aabot sa tinatayang mahigit na 1000 mga trash can ang ipinagkaloob ng pamahalaang panlungsod sa mga driver ng pamublikong jeep sa Lucena. ...

Aabot sa tinatayang mahigit na 1000 mga trash can ang ipinagkaloob ng pamahalaang panlungsod sa mga driver ng pamublikong jeep sa Lucena.

Ginanap ang pamamahaging ito sa lobby ng Lucna City Government Complex na kung saan ay pinagunahan ito ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Nakasama rin ng alkalde sa pamamahaging ito si dating Department of Agriculture Secretary Engr. Proceso “Ka Procy” Alcala, dating konsehal ng lungsod na si Amer Lacerna, ang anak ni Vice Mayor Philip Castillo na si Gen Castillo, at ang OIC ng City General Services Office na si Mam Rosie Castiilo.

Sa maiksing programa na isinagawa dito at sa naging pananalita ni dating DA Secretary Procy Alcala, nagbigay tagubilin rin ang dating kalihim na nararapat na ingatan ng mga ito ang binigay sa kanilang basurahan.

Dagdag pa ni Ka Procy Alcala, isang magandang instrumento ang binigay na ito ng pamahalaang panlungsod upang maging malinis ang Lucena dahil aniya kung mananatiling malinis ang lungsod ay tiyak na maipagmamalaki ito sa lahat ng bayan sa bansa at maging sa buong mundo.

Samantala sa mensahe naman ni Mayor Dondon Alcala, binigyang pasasalamat nito ang OIC ng CGSO na si Mam Rosie Castillo dahilan sa pagsasagawa ng ganitong uri ng proyekto.
Dagdag pa ni Mayor Alcala, ang pamamahaging ito ng mga nabanggit na basurahan ay bilang parte rin ng ginagawang paglilinis sa lungsod ng Lucena.

Isang tagubilin rin ang inilahad ng alkalde sa lahat ng mga jeepney drivers at ito ay ang pangalagaan ito at gamitin ng wasto gayundin ang pakiusap na sabihan ang lahat ng mga pasahero na itapon ang kanilang mga basura sa nakalaang basurahan at hindi kung san-saan lamang ito itatapon.

Ang pagsasagawa ng ganitong uri ng proyekto ay isang paraan ng pamahalaang panlungsod na ipatupad ang kalinisan sa Lucena upang sa ganun ay maging kaaya-aya ito sa lahat ng mga mamamayang naninirahan dito at sa mga magsisitungo sa lungsod.

Gayundin sa pagiging malinis na lungsod, mailalayo ang lahat ng mga Lucenahin dito sa anumang uri ng sakit na maaring dala o dulot ng masamang kapaligiran at upang mapanatili ang kagandahan nito dahil isa sa mga hinahangad ni Mayor Dondon Alcala para sa lungsod ng bagong Lucena ay ang makilala ito bilang isang malinis at mapayapang lungsod sa buong bansa. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.