Isang magandang balita ang inihayag ni mayor Roderick “Dondon” Alcala para sa mga empleyado ng pamahalaang panlungsod sa ginanap na flag rai...
Ang balitang ito ay ang binabalak na pagkalooban ang lahat ng city government employee ng regalo sa pagsapit ng kanilang kaarawan.
At hindi lamang basta regalo ang matatanggap ng mga ito kundi ang birthday cash gift na katulad ng sa mga senior citizens, mga pampublikong guro at pwd’s sa lungsod.
Ang magandang balitang itong inihayag ni Mayor Alcala ay kasabay na rin ng pagdiriwang ng national employees month at kasabay na rin ng pagdiriwang ng ika-118 taong anibersaryo ng civil service commission.
Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, sinabi nito na kinakailangan muna ng himingi ng sulat mula sa opisyales ng Lucena City Government Employees Union at ibigay ito sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na kung saan ay nakasaad sa sulat ang kahilingang ito na mabigyan ng birthday cash gift ang mga emplyeado ng city government.
Dagdag pa ng alkalde, batay sa pagkakaalam niya, maari nang magkaloob ng nasabing benipisyo at kinakailangan lamang na iendorso ito sa SP upang maaprubahan.
Aniya, ang sector ng mga nakatatandang Lucenahin, pampublikong guro at maging ang mga nasa natatanging sector ng lipunan ay pinagkakalooban nito kung kaya nararapat rin marahil aniya na maging ang mga empleyado ng pamahalaang panlungsod ay mapagkalooban rin nito upang mas lalo pang mging produktibo ito sa kanilang pagtratrabaho.
Sa ngayon palamang ay lubos nang nagpasalamat ang mga kawani ng city government kay Mayor Alcala sa pagbabalak ng nasabing programa dahilan sa malaking tulong rin para sa kanila ang matatanggap na ito na birthday cash gift.
Ang binabalak na ito ni Mayor Dondon Alcala para sa mga empleyado ng pamahalaang panlungsod ay bilang pasasalamat niya sa patuloy na pagtratrabaho at pagbibigay nito ng maayos na serbisyo sa mga mamamayang Lucenahin. (PIO-Lucena/ R. Lim)
No comments