Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga koponan na maglalaro sa Mayor Dondon Alcala Inter-Office Basketball Tournament, binigyan ng tulong pinansyal ng punong lungsod

Dahilan sa pagnanais na maging masaya at maayos ang gaganaping mga laro sa Mayor Dondon Alcala Inter-Office Basketball Tournament, pinagkal...

Dahilan sa pagnanais na maging masaya at maayos ang gaganaping mga laro sa Mayor Dondon Alcala Inter-Office Basketball Tournament, pinagkalooban ni Mayor Dondon Alcala ng tulong pinansyal ang mga koponan na maglalaro dito.

Ginanap ang pamamahaging ito ng financial assistance sa conference room ng Mayor’s Office na kung saan ay nakasama niya dito si Councilor Anacleto Alcala III at dinaluhan naman ng halos lahat ng koponan na kasali dito.

Mayroong dalawang kategorya ang naturang patimpalak na kinabibilangan naman ng tig-siyam na delegasyon mula sa mga opisina ng city government at sa nasyunal na ahensya.

Kabilang s mga nasyunal na ahensya na magtutungali dito ay ang defending champion na Lucena PNP, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire, DepEd, Quezon Police Provincial Office, Tricycle Franchising and Regulatory Office, Regional Trial Court, Liga ng mga Barangay at ang SK Federation.

Habang kinabibilangan naman ng siyam na cluster ang mga koponan na maglalaro para sa city government of Lucena.

Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala sa maiksing programa na isinagawa dito, sinabi nito ang pamimigay ng tulong pinansyal na ito ay upang matulungan ang lahat ng mga teams na kalahok dito na magkaroon ng kani-kanilang uniporme upang maging maganda ang palarong nabanggit.

Ang paligang ito na Mayor Dondon Alcala Inter-Office Basketball Tournament ay isang paraan ng alkalde na magkaroon ng pagkakataon ang lahat ng mga tanggapan, maging local man o nasyunal, na makapaglaro at makahalubilo ang iba pang mga empleyado.

Isang paraan rin ito ni Mayor Dondon Alcala na panatilihing masigla ang mga ito upang sa ganun ay maging aktibo ang mga ito sa pagseserbisyo hindi lang sa opisina na kanilang pinagtratrabahuhan kundi maging masigla rin ito sa larangan ng pampalakasan. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.