Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

MGA LUCENAHIN, INAASAHAN ANG PAKIKIISA SA INTERNATIONAL COASTAL CLEAN UP NA ISASAGAWA SA LUNGSOD

Sa pagnanais na magkaroon ng malinis at maayos na kapaligiran at maging ligtas sa bantang kalamidad, isasagawa ang 33rd International Coast...

Sa pagnanais na magkaroon ng malinis at maayos na kapaligiran at maging ligtas sa bantang kalamidad, isasagawa ang 33rd International Coastal Clean Up sa lungsod ng Lucena.

Ang naturang aktibidad ay gaganapin sa ika labing-lima ng Setyembre, sa baybayin ng Barangay Dalahican at Barangay Talao-talao na kabilang sa anim na coastal areas sa lungsod.

Nasa tatlo hanggang apat na libong volunteers naman mula sa mga non-government organizations, civil society organizations, peoples organizations, mga kawani ng lokal at nasyunal na pamahalaan at mga academe ng mga paaralan sa lungsod, ang inaasahang magiging partisipante ng nasabing aktibidad.

Makikilahok din aniya dito ang nasa mahigit sa siyam na daang 4Ps beneficiaries sa lungsod na tutulong sa paglilinis ng baybaying dagat.

Patunay lamang ito ng buong suporta at pakikiisa ng mga Lucenahin sa mga aktibidad na pinangungunahan ng pamahalaang panlungsod hinggil sa mas pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa pamayanan.

Kaugnay nito, hinihikayat pa rin ni Janet Gendrano, hepe ng LDRRMC, ang iba pang mga mamamayan na makilahok sa aktibidad.

Ayon kay Gendrano, nagpadala ang kanilang ahensya ng mga sulat sa mga organisasyon o barangay upang magsilbing pre- registration para sa mga mamamayan na gustong makilahaok lalo’t higit sa mga naninirahan sa dalawang barangay na pagdadausan.

Gayundin aniya ay mayroong registration booth sa mismong lokasyon para sa mga nagnanais na magtungo na lamang dito sa araw ng aktibidad.

Dagdag pa nito, may makikita rin sa site na mga trash collection point na kung saan dito ilalagak ang mga basurang napulot na siyang kukunin naman ng dump truck sa tulong na din ng CGSO.

Bagamat sa Brgy. Talao-talao at Brgy. Dalahican isasagawa ang naturang aktibidad ay inaasahan pa rin ang pagsasagawa ng simultaneous clean up drive ng apat pa na coastal areas sa lungsod kabilang ang Brgy. Barra, Brgy. Ransohan, Brgy. Salinas at Brgy. Mayao Castillo. (PIO-Lucena M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.