Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

MGA NAGWAGI SA WALL PAINTING CONTEST NG TANGGAPAN NG CLEAN AND GREEN, PINARANGALAN

Pinarangalan ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod na nagwagi sa wall painting contest kamakailan. Ang naturang patimpa...

Pinarangalan ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod na nagwagi sa wall painting contest kamakailan.

Ang naturang patimpalak ay aktibidad na inorganisa ng tanggapan ng Clean and Green sa pamumuno ng hepe nito na si City Tourism Officer Arween Flores.

Tinanghal na Third placer ang Lucena Dalahican National High School at Calayan Educational Foundation Inc. na nag-tie up para sa nasabing pwesto at tumanggap ng tig- tatlong libong piso.

Nanalo naman sa ikatlong pwesto ang Dalubhasaan ng lungsod ng Lucena at tumanggap ng limang libong piso habang ang Lucena City National High School ang nag-uwi ng kampeonato sa naturang pagpaparangal at tumanggap ng pitong libong piso

Binigyan naman ng mga consolation prizes na nagkakahalaga ng isang libong piso ang iba pang mga paaralan na nakiisa sa wall painting contest kabilang ang Gulang-gulang NHS, Interglobal college of Asia, Maryhill college, Holy rosary catholic school, Cotta NHS, Sacred heart college, Ibabang Talim NHS, Mayao Parada NHS at Southern Luzon State University.

Sa naging pahayag ni Flores, ang nabanggit na aktibidad ay partisipasyon ng kanilang tanggapan para sa kampanya ng pamahalaang panlungsod na malinis ang mga daanan sa pamamagitan ng Task Force Bangketa.

Ang naging tema ng patimpalak ay base sa kampanya ng Clean and Green na environmental awareness habang ang unang pitong mga paintings ay nakabase naman sa seven days of creation alinsunod na din sa naging suhestyon ng mga partisipante.

Sa huli ay inaasahan na sa tulong ng mga ganitong aktibidad at programa ay mamutawi sa mga mamamayan ang disiplina at kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na komunidad. (PIO Lucena/ M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.