Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga principal mula sa pampublikong paaralan sa lungsod, binigyang sorpresa si Mayor Dondon Alcala

Bilang pagpapakita ng kanilang taus pusong pasasalamat, binigyang sorpresa ng mga punong guro mula sa pampublikong paaralan ng lungsod si Ma...

Bilang pagpapakita ng kanilang taus pusong pasasalamat, binigyang sorpresa ng mga punong guro mula sa pampublikong paaralan ng lungsod si Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Bukod sa kanilang pasasalamat, ang naturang sorpresang ito ay ang kanilang paraan upang batiin ang punong lungsod sa nalalapit nitong kaarawan.

Ginanap ang naturang sopresang ito sa Queen Margarette Downtown nakung saan ay nakibahagi rin dito si City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr.

Pinangunahan naman ni City Schools Division Superintendent Dr. Anianon Ogayon ang mga naghandog ng sorpresang ito kasama si Assistant City Schools Division Superintendent Dr. Joepi Falqueza.

Halos lahat ng mga principal mula sa North, East, West at South Sector ay nakilahok dito kabilang na rin ang mga nasa Schools Division office.

Sa naging takbo ng palatuntunan, pumasok ang alkalde sa isang silid na kung saan nakapatay ang mga ilaw dito at nang buksan na ito ay agad na umalingawngaw ang pagbati ng mga ito kay Mayor Alcala.

Matapos nito ay isa-isa naman nagbigay ng intermission ang mga punong guro mula sa apat na sector at maging ang mga nasa division office.

Kasunod nito ay nagbigay naman ng mensahe si SDS Dr. Ogayon na kung saan ay pinasalamatan nito si Mayor Dondon Alcala dahilan sa walang sawang pagtulong at pagsuporta nito sa pamunuaan ng DepEd Lucena.

Gayundin ang paghahatid nito ng mga programa upang mas lalo pang maging maayos ang pag-aaral ng mga kabataang Lucenahin.

Gayundin sinabi nito na hindi nila makakamit ang magagandang programa at proyektong ito kundi dahilan na rin sa walang sawang pagtulong ng alkalde sa kanila at kahilingan rin nito na humaba pa nawa ang kanilang magandang samahan upang maipagpatuloy pa rin ang magandang nasimulan nilang ito.

Sa naging pananalita naman ni Mayor Alcala, kaniyang pinasalamatan ang lahat ng bumubuo ng DepEd Lucena lalo’t higit kay Dr. Ogayon dahilan sa maganda at maayos na pagsasamahan niya at ng mga ito.

Dagdag pa ng alkalde, isa rin sa dahilan ng magandang samahan nila ay ang mataas na pagtingin niya kay Ogayon na kung saan sa bawat makakaharap nilang problema at pangangailangan ng mga paaralan ay unang inilalapit niya ito sa Schools Division Superintendent upang mabigyan ito ng solusyon.

At sakali naman na aprubahan ito ni Dr. Ogayon ay tinitiyak nito sa mga pampublikong paaralan na nangangailangan ng tulong ay agad rin niya itong aaprubahan.

Sa huli ay sinambit nito na patuloy niyang susuportahan ang lahat ng mga programa at proyekto ng DepEd Lucena at nang mga punong guro sa pampublikong paaralan sa Lucena at sakali aniyang may mga pangangailangan ang mga ito ay nakahanda rin siyang tumulong para sa mga ito.

Ang ginawang sorpersang ito ng lahat ng bumubuo ng DepEdd Lucena at mga punong guro sa public schools sa lungsod ay isang pagpapakita nila ng taus pusong pasasalamat sa mga naitulogn ni Mayor Dondon Alcala para sa kanilang paaralan lalo’t higit sa pag-aaral ng mga kabataang Lucenahin na ngayon ay masasabing mayroon nang maayos at de kalidad na edukasyon dahilan na rin sa inisyatiba ng alkalde ng Bagong Lucena. (PIO-Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.