Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Munting pangarap, binuo sa kanyang silid aralan - Cong. Danny Suarez

Minority Floor Leader Congressman Danilo Suarez, Governor David Jay Jay Suarez, Senator Sonny Angara at ang mga myembro ng council na bum...

Minority Floor Leader Congressman Danilo Suarez, Governor David Jay Jay Suarez, Senator Sonny Angara at ang mga myembro ng council na bumubuo ng Quezon Medalya ng Karangalan 2018. (Photo Courtesy by Quezon PIO)

by Ace C. Fernandez and Lyndon B. Gonazales

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Ang singko sentimos na baon at git-it na tinapay na matamis at may palamang niyog na meryenda, masaya na itong si Congressman Danilo “Danny” Suarez. “Ang problema ko lang ay pag naubos ko ang singko sentimos na baon ko, ay naglalakad na ako pauwi” dagdag pa ng kasalukuyang Minority Floor Leader ng 17th Congress.

Ang mga kwentong ito ay siyang sumasalamin kung gaano kapayak ang buhay na kinagisnan ni Cong. Suarez, at ito ang ginawa niyang tuntungan upang bumuo ng munting pangarap bilang estudyante ng Lucena West I Elementary School. Kasama ng iba pang miyembro ng local media ay isinama niya kami sa section 2, ng Gabaldon Building kung saan ay pabiro pa niyang sinabi na “ang pinakamtas kong grade nuon ay 75 sa aking mga subjects” kasabay ang masayang ngiti.

Damang-dama ng mga estudyanteng nanduroon sa dating silid aralan ng kongresista ng mga oras na ‘yon ang magkahalong saya at pananabik ni Cong. Suarez na muli niyang napuntahan at nakabalik sa silid aralang hinubog ang kanyang character bilang isang tao na nagbigay daan sa matibay na pundasyon upang abutin ang mga pangarap na binuo niya sa nasabing silid aralan.

“Ang Nanay ko ay teacher dito at P81.00 pesos lamang ang kanyang sweldo kada buwan na nuong panahong iyon ay maliit sa ordinaryong pamilya. Ang Tatay ko ay kusinero sa Halina Hotel na ang pandesal na natira ay dinudurog at ginagawang pancake” ayon pa kay Congressman Suarez.

Sa pagbabalik tanaw, minsan ay napadaan itong si Congressman Suarez sa tapat ng Lucena West I Elementary School at nakita niya na punit-punit ang bandila sa harapan ng paaralan. Nakadama umano ng pagkalungkot ang Minority Floor Leader kaya agad siyang nagpadala ng bagong watawat na pagkalipas ng apat (4) o limang (5) taon ay saka pa lamang sinabi na siya ang nagpadala ng nasabing bandila na lalong ikinatuwa ng mga guro sapagkat nakita nila kung paano pinagmalasakitan ang kanilang paaralan.

Samantala, ipinangako ni Congressman Danilo Suarez sa harap ng mga estudyante at mga guro na ipapagawa niya ang Lucena West I Elementary School kaya naman nagsigawan at nagpalakpakan sa tuwa ang lahat ng mga nanduroon. Sinabi pa ng kongresista na sa dami ng perang hindi naman ginagastos ng gobyerno ay dapat malagyan ng computer laboratory ang paaralan para sa mga estudyante. Kailangan umanong maibigay ang isang mataas na antas ng edukasyon and in quality, there is accompanying cost dagdag pa ni Congressman Danilo Suarez.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.