LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sinabi ni Anna Peachy Gurango, hepe ng Social Security System (SSS)-sangay ng lungsod ng Lucena na ang mga Ove...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sinabi ni Anna Peachy Gurango, hepe ng Social Security System (SSS)-sangay ng lungsod ng Lucena na ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay maaari ding maging miyembro ng SSS.
Sa programang “Balikatan Unlimited with PIA” sa DWLC- Radyo Pilipinas noong Agosto 31, sinabi ni Gurango na kailangang magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS ang isang OFW upang personal na makapag-apply.
“Kailangan din na magdala ang aplikante ng birth certificate ang isang OFW gayundin ng marriage certificate kung kasal, kailangan ding magdala ng passport or driver’s certificate ang isang aplikante sa pag-aaplay ng pagiging miyembro ng SS.
Bukod dito, kailangan ding magbayad ng kahit isang buwang kontribusyon ang isang OFW at humingi ng numero ang OFW sa pagiging miyembro ng SSS.
“Sa ngayon ay mayroon nang 36 na milyong miyembro ang SSS sa buong bansa”, sabi pa ng opisyal.
Sa pagiging miyembro ng SSS, maaari nang tumanggap ng mga benipisyo ang isang OFW kagaya ng mga sumusunod: benepisyo sa oras ng pagkakasakit, maternity benefit para sa mga babaeng miyembro, disability benefit o benepisyo sa pagiging deisabled person at death benefit. (Ruel Orinday/ PIA-Quezon)

No comments