LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Iniulat ng tanggapan ng panlalawigang agrikultor na umabot sa P37M ang halaga ng mga tanim na palay sa lalawigan...
Sinabi ni Alexander C. Garcia, planning officer II ng nasabing tanggapan, may 1,310 na mga magsasaka ng palay na naninirahan sa mga bayan ng Real, Dolores, Mulanay, Tiaong, San Antonio at Lucban, Quezon ang direktang naapektuhan ng bagyo matapos masira ang kanilang mga tanim na palay.
“Tutulungan naman ng aming tanggapan ang mga apektadong magsasaka at ngayon nga ay pag-uusapan at ihahanda na namin ang mga tulong na ipagkakaloob sa kanila”, sabi pa ni Garcia.
Ang mga tanim na palay sa anim na bayan ay aanihin sana ng mga magsasaka sa mga darating na buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre 2018 ayon pa sa ulat ng tanggapan ng panlalawigang agrikultor. (Ruel Orinday/ PIA-Quezon)
No comments