Kapitana Editha Carurucan ng Barangay 4 (Photo Courtesy by Divine Eleazar) “Ako ay nagulat sapagkat napabilang ang aming barangay sa n...
Kapitana Editha Carurucan ng Barangay 4 (Photo Courtesy by Divine Eleazar) |
“Ako ay nagulat sapagkat napabilang ang aming barangay sa nabigyan ng pagkilala ng pamahalaan panlungsod”.
Dahilan sa ginawang namin pagsunod sa ordinansa ipinatutupad ng city government of lucena na solid Waste Management Act o R. A. 9003.
Ito ang naging pahayag ni Kapitana Editha Carurucan ng Barangay 4 sa panayam ng TV12 kamakailan.
Ayon kay Barangay Chairwomen Carurucan, alam at nakikita ng mga kabarangay niya kung ano ang kanilang ginagawang pagpapanatiling maayos ang koleksyon ng basura sa kanilang barangay.
Ayon pa dito, pagkatapos ng makuha ng Garbage truck ang basura sa pick-up point sa bahagi ng Sto. Rosario ay pinalilinis niya agad ito sa mga eco-aide.
Dagdag pa ni Carurucan, ang isa pang collection point nila sa bahagi naman ng Claro M. Recto ay mayroon silang ini-asign o Volunteer na naglilinis dito.
Sinabi naman ng butihin Kapitana ng barangay 4, patuloy naman ang kanilang ginagawang pagpapakalat ng information dissemination sa mga residente nila para sa pagsesegragate ng basura sa kanilang lugar.
Kung saan ay paulit ulit nilang ipinababatid sa mga kabarangay nila ang oras ng pagkolekta ng basura ay MWF ay para sa nabubulok at ang TTHS ay sa di naman nabubulok.
Sa ngayon naman aniya ay mas marami sa kanilang mga kabarangay ang sumusunod sa ginagawang pagsegragate at oras ng paglalagay ng mga basura sa pick-up point area nila kaysa iilang hindi sumusunod.
SOT 5:52-6:26 footage ingterview kapitan caururcan 00218
Ayon pa rin kay Kapitan Editha Carurucan, lalong naging challege sa kanila ang ginawang pagbibigay pagkilala ng pamahalaan panlungsod bilang isa sa barangay na sumusunod sa ordinansang ipinatutupad ngayon ang Solid Waste Management Act o R.A. 9003.
Idinagdag pa nito na hindi na umano puwede silang magpapitiks-pitiks lang sa gawa kailangan ay lalo nilang pagbutihin ang pagpapatupad ng nasabing batas sa kanilang barangay.
SOT 6:57-7:15 footage ingterview kapitan caururcan 00218
Samantalang sinabi naman pa ni Carurucan, kinakausap muli nila ang may-ari ng lupa sa bahagi ng CM Recto at Enverga St. kung saan ay dito nila binabalak itayo yong Material Recovery Facilities o MRF.
Matagal na aniya nila ito kinakausap noong pang kapitan pa si Gilbert Marquez.
At sa ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang ginagawang ugnayan sa may-ari ng lupa para pumayag na ito sa kanilang binabalak na itayong MRF sa lugar.
Ng sa ganoon ay lalo pang mapaganda at mapanatili nilang malinis at kaaya aya ang kanilang barangay sa mga bibisita sa kanilang lugar. (PIO-Lucena/ J. Maceda)
No comments