Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

PAGTAAS NG PRESYO NG ISDA SA PUBLIC MARKET NG LUNGSOD, IDINADAING NG MGA MAMIMILI

By C. Zapanta LUCENA CITY - Hindi lamang mga mamimili ang umaalma kundi pati na rin ang mga maninindahan sa patuloy na pagtaas ng presyo...

By C. Zapanta




LUCENA CITY - Hindi lamang mga mamimili ang umaalma kundi pati na rin ang mga maninindahan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng ilang mga pangunahing bilihin na ramdam rin sa pampublikong pamilihan ng lungsod ng lucena.

Kanya-kanyang diskarte ang mga lucenahin para makatipid kasunod ng patuloy na pagsipa ng inflation o taas ng presyo ng mga bilihin.



Isa na rito si jael evapea na residente ng barangay market view. Ayon dito, maging sila ay naghihigpit na rin ng sinturon dahil sa sobrang mahal ng mga bilihin sa palengke. Kung ano-anong diskarte narin umano ang kaniyang ginagawa upang makatipid at mapagkasya ang kanilang budget .

Bukod umano sa gulay, iniinda rin nitoa ang pagmahal ng kilo ng mga isda paritkular na ng bangus at galunggong na kalimitan niyang binibili.

Mula raw kasi sa dating p120 na presyo ng bangus, p180 na ngayon ang kada kilo nito. Halos p100 naman ngayon ang itinaas ng presyo ng sariwang galungong na kanyang binibili. Dati raw kasi ay nakakabili pa siya ng p130 hanggang p140 kada kilo habang ngayon, nasa p200 hanggang p240 na ang kada kilo nito.

Anito, pinaghahati-hatian na lamang nilang mag-anak ang isdang nabili na nagkasya sa kanilang budget.

Unti-unti rin umanong napapansin ng mga nagtitinda sa palengke na umuunti ang mga produktong binibili ng kanilang mag suki bagay na isinisisi ng ilang mga tindero sa kakulangan ng suplay ng mga isda.

Ayon sa tinderang si beth padua, nagkakaroon ng malaking epekto sa presyohan ng mga isda ang pag-unti ng supply ng mga sariwang huli dahil sa mga nagdaang kalamidad. Wala naman silang magawa dahil natural na tumataas rin ang kanilang puhunan sa tuwing sumasama ang panahon.

Kaya ang ilang maninindahan kagaya niya ay napipilitan umanong magtinda ng frozen na isda. Mas mahal daw kasi ang bentahan ng sariwang isda na tiyak lalong magpapaaray sa mga mamimili.

Hindi raw kasi tulad ng mga sariwang huli, ang presyo ng frozen na isda ay hindi nagtataas. Malaki rin umano ang diperensya ng presyo ng sariwa at frozen na isda tulad nalamang ng sariwang galunggong na umaabot sa p150 hanggang p160 ang puhunan.

Kung isasama raw ang iba pang mga gastusin sa pag-aangkat ng mga produkto gaya ng gastos sa krudo, hindi raw sasapat ang p20 na patong nila sa presyo nito.

Hindi umano tulad ng frozen na isda na kanilang nakukuha sa halagang p9o na pwede lamang nilang patungan ng p10 hanggang p20 .

Sot clip no. 00442 (00:47-00:52) beth padua / tindera ng isda

Umaasa ang mga mamimili at mga maninindahan na maibabalik sa dati ang mga presyo ng gulay at isda kapag naging regular na ulit ang suplay ng mga ito.(pio lucena/c.zapanta)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.