Nababahala ang mga maninindahan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga gulay, ito ang naging pahayag ng ilang mga negosyante sa pampublikong...
Ayon kay jeca banaag, isa sa mga tindera ng gulay sa public market, triple na ang itinaas ng presyo ng gulay na kaniyang itinitinda. Ang dating p100 bentahan nila sa kada kilo ng repolyo, ngayon ay nasa p200 na raw habang umakyat naman sa p300 ang kada kilo ng baguio petsay mula sa dati nitong presyo na p70.ang kada kilo naman ng carrots na dating 100 ay mabibili na sa halagang p300 habang ang sili, p10 ang 7 piraso. Hirit pa nito, tanging talbos na lamang ng kamote at kangkong ang hindi nagtataas ng presyo.
Sa puhunan umano nilang p70 sa kamatis, 30 pesos lamang ang kanilang magiging tubo sa bentahan nilang p100 gayundin sa kalamansi na nakukuha nila sa halagang p50 at ibinebenta sa halagang p80. Nasa p30 rin ang nagiging tubo nila sa tali-taling sitaw at pechay na p70 ang puhunan.
Ngunit giit nito, hindi pa umano kasama p30 patong nila sa mga produkto ang tracking at iba pang expenses na kanilang binabayaran sa pag-aangkat ng mga paninda.
Ani banaag, malaki umano ang perwisyong naidudulot nito para sa kanila. Imbis raw kasi tumubo, napipilitan silang ibaba ang presyo ng kanilang produkto mabenta lang ang kanilang tinda.
Dagdag pa nito, hindi tulad ng dati, ang isang 1000 kita nila mula sa buong araw na pagtitinda ay nagiging 700 nalamang, hindi pa raw dito kasama ang iba pang gastos gaya ng upa sa pwesto.
Ito rin ang hinanaing ng mahigit 2 dekada nang magtitinda ng gulay na si sally rosales. Ayon dito, wala silang naangkat na gulay mula sa kanilang mga supplier matapos na manalasa ang bagyong ompong sa baguio na naging dahilan umano kung bakit napipilitan silang mag-angkat ng prudukto sa mas mahal na presyo.
Malaki umano ang epekto nito sa kanilang bentahan. Nangingilo raw kasing bumili ang mga mamimili sa tuwing nalalaman ang presyo ng mga gulay. Marami umano sa kanyang mga suki na dating kumukuha ng maramihan, ngayon ay tingi-tingi na lamang ang binibili.
Nangangamba rin umano ang mga maninindahan na baka lalong sumipa angpresyo ng mga gulay at ng mga pangunahing bilihin, bukod daw kasi sa papalapit na ang pasko, ilang bagyo pa ang pinangangambahang pumasok at manalasang muli sa bansa na tiyak na magiging dahilan umano ito ng pagkawala ng supply mula sa baguio at iba pang mga lugar.
Marami naman umanong supply sa sentrong pamilihan sa sariaya ngunit dahil sa pananalasa ng bagyo sa mga pangunahing lugar na pinagmumulan ng mga agricultural products, nauubos ang supply ng mga tagalog na gulay dahil dumarayo na rin sa sentrong pamilihan ang mga parokyano mula sa norte, maynila, balintawak at maging mga taga nueva ecija upang umangkat na nagiging isa sa mga dahilan ng lalong pagtaas ng presyo ng mga produkto.
Sa ngayon ay wala umano silang magagawa dahil posibleng tumagal pa ng ilang linggo o buwan bago bumalik sa normal ang suplay ng gulay sa kanilang pinag-aangkatan.(pio lucena/c.zapanta)
No comments