Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Problema ng Pilipinas ang pagtuunan niyo ng pansin!

Editorial Ngayon hinihimok ni Senate President Vicente Sotto III ang isang pagbabago sa liriko ng pambansang awit ng Pilipinas. Sa kan...


Editorial

Ngayon hinihimok ni Senate President Vicente Sotto III ang isang pagbabago sa liriko ng pambansang awit ng Pilipinas.

Sa kanyang interpelasyon sa mga debate sa plenaryo sa “proposed amendment” o ipinanukalang pagbabago sa Republic Act 8491 o sa Flag and Heraldic Code of the Philippines, inilarawan ni Sotto ang huling linya ng Lupang Hinirang, “Aming ligaya na pag may mang-aapi, ang mamatay ng dahil sa ‘yo,“ bilang pagkatalo o “defeatist” diumano.

Dahil may pagkanegatibo ang dating, sa deliberasyon ng Senado kaugnay sa panukalang gawing siyam ang sinag ng araw sa watawat ng bansa, nais ni Sotto na isang ring kompositor, na palitan ang linya sa pambansang awit na, “ang mamatay ng dahil sa ‘yo” at gawing “ang ipaglaban kalayaan mo.”

Si Sen. Richard Gordon na co-sponsor na Senado Bill 102, na naglalayong dagdagan ang bilang ng mga sinag sa araw sa bandila ng Pilipinas mula 8 hanggang siyam na kumakatawan sa mga lider ng Muslim. Wala naman tutol sa mungkahi ni Sotto si Sen. Richard Gordon, may-akda ng panukalang dagdagan ang sinag ng araw sa watawat. Ayon kay Gordon, maghahain siya ng hiwalay na panukalang batas para sa mungkahi ni Sotto. Hindi sinalungat ni Gordon ang mungkahi ni Sotto na baguhin ang pambansang awit.

Saklaw ng RA 8491 hindi lamang ang bandila ng Pilipinas kundi pati na rin ang Pambansang Awit sa Kabanata 2, Seksiyon 36.

Binubuo si Julian Felipe ng Lupang Hinirang noong 1898. Isang taon pagkatapos, sinulat ni Jose Palma ang mga lyrics nito.

Ang mga Netizens naman hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang at ang bandila ng Pilipinas. Anila Napakaraming seryosong problema sa Pilipinas ang dapat pansinin at gayon pa man ay nagpasiya kang baguhin ang isang bagay na walang kinalaman sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino.Ang Lupang Hinirang at bandila ng Pilipinas ay kayamanan ng kasaysayan na dapat igalang.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.