LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Patuloy na isinusulong ng pamahalaang panglungsod ng Lucena ang mga programa at proyekto para sa mga taong o pe...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Patuloy na isinusulong ng pamahalaang panglungsod ng Lucena ang mga programa at proyekto para sa mga taong o persons with disabilities (PWDs).
Sa idinaos na kapihan sa PIA sa Pacific Mall sa lungsod na ito kamakailan, sinabi ni konsehal Sunshine A. Llaga na may mga programang ipinatutupad ang pamahalaang panglungsod sa pangunguna ni Mayor Dondon Alcala kagaya ng pagbibigay ng mga wheel chair at mga regalo o ‘birthday gifts’ kapag sumasapit ang kaarawan ng mga PWDs.
Sinabi pa ni konsehal Llaga na patuloy na isinusulong ngayon ng pamahalaang panglungsod ang pagbubuo ng local code na siyang tutulong para sa kapakanan ng mga PWDs sa lungsod ng Lucena.
“Baka sa susunod na taon ay maisaayos, mapagtibay at maipatupad na ang bagong local code para sa mga PWDs,” ayon pa sa konsehal.
Sinabi rin ni konsehal Llaga na nais din niya na magkaroon ng PhilHealth coverage ang mga PWDs upang matulungan din ang mga ito sa oras ng pagkakasakit.
Sa kasalukuyan ay mayroong 5,000 miyembro ng mga PWDs sa lungsod ng Lucena.
Ang lungsod ng Lucena ay mayroon ding binuong Lucena City Council on Disability Affairs na siyang tumutulong sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa PWDs. (Ruel Orinday, PIA-Quezon)

No comments