Si PSSupt. Erick Armamento, kasama ang iba pang ginawaran ng Quezon Medalya ng Karangalan 2018 by Ace C. Fernandez and Lyndon B. Gonaza...
Si PSSupt. Erick Armamento, kasama ang iba pang ginawaran ng Quezon Medalya ng Karangalan 2018 |
by Ace C. Fernandez and Lyndon B. Gonazales
Queen Margarette Hotel, Lucena City - Pinasalamatan ni PSSupt. Rhoderick C. Armamento ang lupon ng Gawad Parangal ng Quezon Medalya ng karangalan sa pamumuno ni Atty. Vicente M. Joyas. Si PSSupt. Erick Armamento ay isa sa mga ginawaran ng pagkilala at parangal sa katatapos lamang na Quezon Medalya Karangalan Gabi ng Gawad Parangal para sa mga natatanging Quezonian na ginanap sa Queen Margarette Hotel, ika- 16 ng Agosto 2018. Sa Serbisyong Pampulisya ang kategorya ng nakamit na parangal na ibinigay ng Lupon dahil sa ipinamalas na kahangahangang sigasig at didekasyon sa trabaho.
Ipinakita ni PSSupt. Armamento ng manilbihan bilang Director ng Quezon Provincial Police Office ang mahusay na kakayahan upang hikayatin ang kanyang mga tauhan upang higit pang maipagtanggol ang mga mamamayan ng lalawigan laban sa masamang element ng lipunan.
Ayon kay PSSupt. Armamento, mahalaga para sa kanya na lagyan ng puwang sa pagitan ng pulisya, media at komunidad. Naniniwala si Armamento na ang paglapit sa mga ito ay mabisang paran upang maka-iwas sa krimen, bukod sa pagpapatibay sa kamalayan ng mga mamamayan hinggil sa kanilang mga karapatan, sibikong responsibilidad at sa iba’t- ibang programang ipiinatupad ng QPPO.
Ayon sa dating Provincial Director, kasing halaga ng pagsupil sa kriminalidad ang prebensyon nito. Ngunit hindi rin dapat umano kinakalimutan ang pagkakataong sumailalim sa rehabilitasyon ang mga nagkasala, partikular na ay iyong mga biktima ng illegal na droga. Sa ilalim ng pamumuno ni PSSupt. Armamento, ang QPPO ay sinikap niyang makita bilang matapang, mapagkakatiwalaan, may respeto sa karapatang pantao, at higit sa lahat ay may pagmamahal sa bayan at sa Diyos.
Samantala, sa panayam ng local media ay sinabi ni PSSupt. Armamento na bumaba ng 42% ang crime rate sa lalawigan ng Quezon. Naging epektibo umano ang crime prevention at ang pagtutol sa mga krimen na dati ay hindi napagtutuunan. Nakatulong din umano ang mga programa ng PNP at ibang best practices tulad ng Yakap Bayan sa pakikipagtulungan ng iba pang stake holders. Sa huli ay nagpapasalamat siya sa liderato ng PNP at kay Governor David “Jay-Jay” Suarez sa pagbibigay ng pagkakataong makapaglingkod sa lalawigan.
Sinabi pa ni Armamento na inspirasyon niya ang dating pangulong Manuel L. Quezon dahil sa pagmamalasakit nito sa kumong tao. Dapat din umanong siguraduhin ng bawat isang nasa naglilingkod sa gobyerno na the best ang kanilang ibibigay. Nang tanungin ng Media kung siya daw ba ay magiging regional director ng PNP, may kababaang loob na sumagot ang ginawaran ng parangal at sinabing, “Sana, sana ay mabigyan ako ng pagkakataong maging Regional Director.
No comments