LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa pagnanais na maging bukas ang mga Lucenahin sa mga kaganapang nangyayari sa sangguniang panlungsod at maging ...
Sa eksklusibong panayam ng TV12 kay Konsehal Sunshine Abcede-Llaga, isa sa nag-organisa ng naturang aktibidad, ang sangguniang eskwelahan ay nakabase aniya sa Ordinance No. 2653 na ipinasa noong setyembre ng nakaraang taon.
Dagdag pa nito, bawat batch ng isasagawang aktibidad tuwing lunes ay binubuo ng nasa dalawampu hanggang tatlumpong mga mag-aaral, student leaders at maging ang mga barangay officials mula sa lungsod ng Lucena.
Sa unang bahagi ng aktibidad aniya ay ipinapaliwanag sa mga ito ang mga kaukulang proseso sa paggawa ng batas sa lokal na pamahalaan, ordinansa o resolusyon na pangunahing gampanin ng pamahalaang lehislatura.
Matapos ito ay pinag-oobserba ang mga ito sa isinasagawang regular na sesyon ng sangguniang panlungsod, binibigyan din sila ng sipi ng agenda at pribilehiyong pananalita ng mga konsehales.
Gayundin ay nagkakaroon sila ng pagkakataon na magtanong sa SP Dialogue hinggil sa mga usapin na gusto nilang linawin at gusto pa nilang mas maintindihan.
Bahagi rin ng aktibidad at pagbibigay ng permiso at paghihikayat sa mga barangay officials na magdaos ng kanilang sesyon isang beses sa isang taon, sa session hall.
Sa pamamagitan nito aniya ay mararamdaman ng mga namumuno sa pamayanan ang karangalan at dignidad ng isang pagiging public servants.
Naisakatuparan ang una at ikalawang batch ng sanggunian eskwelahan sa tulong na din ng SK Fderation sa pamumuno ni Konsehal Patrick Nadera at ng ilang mga miyembro ng konseho.
Inaasahan naman ang tuloy-tuloy pang pagdaraos ng programa para sa mga kabataang Lucenahin. (PIO-Lucena/M.A.Minor)
No comments