by Ruel Orinday- PIA-Quezon Sariaya, QUEZON - Pinasalamatan ng pamahalaang bayan ng Sariaya sa pangunguna ni mayor Marcelo Gayeta sa ...
by Ruel Orinday- PIA-Quezon
Kabilang sa mga ahensiya ng pamahalaan na pinasalamatan ng alkalde ay ang Kagawaran ng pagsasaka sa pangunguna ni kalihim Manny Pinol; Department of Social Welfare and Development, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Budget and Management (DBM, Department of Public Works and Highways (DPWH) iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Ayon kay mayor Gayeta, ang Department of Agriculture ay nagkaloob ng mga farm equipment na ginagamit ng mga magsasaka sa kanilang hanapbuhay.
“Ang pamahalaang bayan ng Sariaya ay hindi tumitigil para mabigyan ng hanapbuhay ang mga lokal na residente ng Sariaya lalo na ang mga mga magsasaka at mga mangingisda”, pahayag pa ng alkalde sa kanyang ginawang ulat sa bayan.
Samantala, ang DSWD ay nagkaloob naman ng mga bangkang pangisda na gawa sa fiber glass na hanggang sa ngayon ay pinakikinabangan ng mga mangingisda.
Kabilang din sa mga iniulat ng alkalde sa kanyang SOMA ay ang pagsasaayos ng mga kalsada o barangay roads at tulay sa bayan ng Sariaya gayundin ang konstruksiyon ng multi-purpose building na siya ring magsisilbing tanggapan ng COMELEC at konstruksiyon ng national child development center.
Bukod dito, isusulong din ng pamahalaang bayan ng Sariaya ang proyektong patubig at pagpapailaw sa mga kalye.
Nagpasamat din si mayor gayeta sa kanyang mga kababayan at mga dating alkalde ng bayan ng Sariaya na patuloy na tumutulong at sumusuporta sa mga programa ng pamahalaang bayan.
No comments